Iba't ibang kuwento ng PWDs sa bayan ni Juan, alamin
MGA KWENTO NG INSPIRASYON NG MGA JUAN NA MAY KAPANSANAN
JULY 24, 2019
Dahil sa kondisyong Pott's Disease o tuberculosis sa buto, hindi na nakapaglalakad si Ronald. Pero mula sa panlilimos, kalauna'y pinili niyang maghanapbuhay. Sakay ng kaniyang wheelchair, araw-araw mahigit anim na kilometro ang bina-biyahe ni Ronald. Mula sa kanilang bahay sa Binan, Laguna, nakikipagsabayan siya sa malalaking sasakyan papunta sa karatig bayan ng San Pedro. Dito, nagtatrabaho siya sa isang maliit na pagawaan ng mga produktong gawa sa leather. Ang kinikita niya rito, ibinabahagi ni Ronald sa kanyang pamilya at mga kaanak.
Sa edad na dalawampu't apat na taon, kasalukuyang nasa Grade 1 pa lang si Rica. Dahil kasi sa sakit na Cerebral Palsy, hindi niya maigalaw ang ilang bahagi ng kanyang katawan. Kaya ang araw-araw niyang pamumuhay, puno ng pagsubok. Pero sa kabila nito, hindi pinanghihinaan ng loob si Rica. Hindi man nakakalakad, determinado siyang makapagtapos at maging isang photographer.
Mahigit dalawang taon nang nakapagtapos ng kursong Information Technology si Sandrin. Pero dahil sa kondisyon niyang Treacher Collins Syndrome, sa mahigit apatnapung kompanya na kanyang in-apply-an, wala raw ni isa ang tumanggap sa kanya.
Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario na sundan ang pinagdadaanan ng mga PWDs ngayong Miyerkules sa I Juander, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.
ENGLISH
Because of his condition called Pott’s disease or tuberculosis of the bones, Ronald can no longer walk. From pleading for money, he eventually was able to look for a job. Every day, he traverses the highway from Binan, Laguna to San Pedro in his wheelchair, in the streets where buses and trucks use.
At the age of twenty four, Rica is studying and on her first grade. Because of Cerebral palsy, she cannot move some parts of her body. Every day is a struggle for her. But despite this, Rica is strong-willed. She is determined to finish school to be a photographer.
Sandrin has been looking for a job for more than two years since he finished his course in Information Technology. But because of his condition called Treacher Collins Syndrome, he has physical deformities, no one accepted him in the more that fourty companies that he applied to.
Join Susan Enriquez and Cesar Apolinario as they find out the plight of the PWDs, this Wednesday in I Juander, eight o’clock in the evening on GMA News TV!