Mga karaniwang tanong sa bayan ni Juan, bibigyan ng sagot sa 'i Juander'
I JUANDER: MGA TANONG NI JUAN
JUNE 26, 2019
Ngayong Miyerkules, mga tanong mismo na ipinadala ng ilan sa kanilang mga ka-Juander ang bibigyang kasagutan nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario.
Saan pa nga ba paboritong kumain ni Juan --- kundi sa masarap na, mura pa. Pero I Juander, saan nga ba nanggaling ang konsepto ng karinderya sa bayan ni Juan? Sa Makati, isang maliit na kainan ang tatlong dekada nang binabalik-balikan ng kanilang mga suki --- ang Sosing Karinderya. Ang kanilang bestseller – kaldereta. Pero I Juander - ano nga ba ang pagkakaiba ng kaldereta sa mechado, menudo at afritada? At kanino ba natutunan ng mga Pilipino ang pagluluto nito? Ito ang ipinadalang tanong ng marami sa kanilang mga ka-Juander.



Pagdating naman sa mga pambansang sagisag – alam pa kaya ito ng nakararaming Juan? Alin nga ba ang opisyal na pambansang sayaw ng Pilipinas – Tinikling, Carinosa o wala sa dalawa? Katunayan, marami sa mga pambansang sagisag and hindi pa pala opisyal na naidedeklara.


Umalma naman ang marami sa pagsasabatas ng CHED Memorandum No. 20 – na nagsasaad na gawing non-core o hindi requirement sa kolehiyo ang asignaturang Filipino at Panitikan. Ang tanong tuloy ng ilan, hindi na nga ba talaga kailangan sa kolehiyo ang dalawang asignaturang ito? O dapat itong ibalik sa college curriculum?

Alamin ang sagot sa mga katanungang ito sa I Juander ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us