Ang natatagong ganda ng Iloilo at Guimaras, tuklasin sa 'i Juander'
I Juander, ano-ano ang natatagong ganda at kuwento ng Iloilo at Guimaras?
Sulitin ang summer, mga ka-Juander! Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario na dayuhin ang probinsya ng Iloilo at Guimaras.
Sa mga dadayo ng Iloilo, isa sa dapat pasyalan ay ang world class na ganda ng Gigantes Islands. Hindi raw dapat palagpasin ang pagkakataong magpicture-picture, kaya nga ang isang islet dito ay binansagang “Selfie Island.” Mayroon din silang beach na maihahambing daw sa Boracay, ang “Tinagong Dagat Beach.” Kapag naman kumalam na ang sikmura, talaga namang mapaparami ang kain ni Juan ng scallops dahil sa Bantigue Island, Piso lang ito kada piraso.
Kilala naman ang isla ng Guimaras sa matatamis nitong mangga. Kaya nga binansagan silang “Mango Capital of the Philippines.” Marami na rin silang produktong gawa sa mangga gaya ng mango biscocho, mango otap, mango atsara at iba pa. Pero I Juander, ano nga ba ang sikreto ng Guimaras at bakit matamis ang inaani nilang mangga?
Pero bukod sa kanilang mga produkto, ipinagmamalaki rin ng Guimaras ang kanilang mga tourist destination gaya ng Ave Maria na isang white sand islet at Pawikan Island na dati raw pinamumugaran ng mga pawikan.
Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario na ikutin ang Iloilo at Guimaras, ngayong Miyerkules sa I Juander, alas-otso ng gabi sa GMA News TV.
ENGLISH
Let us make the most of this summer, join Susan Enriquez and Cesar Apolinario as they visit the province of Iloilo and Guimaras.
For those who want to travel to Iloilo, Gigantes Island is a must-visit. Juan should not miss the chance to take photos, this is why the place is called “Selfie Island”. They also have beach that is at par with Boracay, it’s called Tinagong Dagat Beach. And if Juan is hungry, you might savour the cheap scallops in Bantique Island which is only one peso per piece.
Guimaras or “Mango Capital of the Philippines” is known for its sweet mangoes. They also have products made from mango, like mango biscocho, mango otap, mango atsara and many more. I Juander, what are the other secrets of Guimaras and why is their mango sweet?
Aside from their products, Guimaras has many tourist destinations like Ave Maria, a white sand islet, and Pawikan Island, a place where the turtles used to lay their eggs.
Join Susan Enriquez and Cesar Apolinario as they explore Iloilo and Guimaras this Wednesday in I Juander, eight o’clock in the evening, on GMA News TV!