Pagiging malambing ng mga Negrense, ibibida sa 'i Juander'
I Juander, bakit malambing ang mga Negrense?
Hindi lang daw malalawak na tubuhan ang nagpapatamis sa probinsya ng Negros Occidental na tinaguriang “Land of Sweet Surprises,” kundi pati ang matatamis na ngiti ng mga Negrense na kilala sa pagiging malambing.
Sa ikalawang bahagi ng Negros Occidental Special ng I Juander, aalamin nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario kung bakit sinasabing malambing ang mga Negrense. Matagpuan kaya nila ang kasagutan sa bayan ng Sagay, na siyang may pinaka malawak na “marine reserve” sa buong bansa? Nasasakupan nito ang Panal at Carbin Reef na ngayo'y nakikila na bilang tourist destination.
Nasasalamin din daw ang pagiging malambing ng mga Negrense sa husay nila sa sining. Ang Kape Alvarako sa Margaha Beach ng Sagay, dinarayo hindi lang sa inihahanda nilang mga pagkain kundi dahil din sa kamangha-manghang mga obra ng animnapu't siyam na taong gulang na si Nunelucio Alvarado. Gumagawa naman ng ingay sa larangan ng musika ang grupong Sinigayan Kahoneros na tumutugtog gamit ang kanilang mga instrumentong kahon.
Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ngayong Miyerkules para sa ikalawang bahagi ng Negros Occidental Special. Tumutok sa I Juander, alas-otso ng gabi sa GMA News TV at alamin ang sagot sa tanong ni Juan:
I Juander, bakit malambing ang mga Negrense?
English:
Negros Occidental is known as the “Land of Sweet Surprises” not only because of its vast land of sugar cane plantation, but also because of the sweet smile of Negrenses who are known to be gentle and sweet.
In the second part of Negros Occidental Special of I Juander, Susan Enriquez and Cesar Apolinario will find out why Negrenses are known to be sweet. Will they be able to find the answer in the town of Sagay, a place that has most vast marine reserve in the country? The place covers Panal and Carbin Reef that are now popular tourist destinations.
The Negrenses’ love for the arts is believed to be a reflection of their gentle quality. Kape Alvarako in Margaha Beach in Sagay is visited not only because of the food they serve, but also because of the impressive artworks of artist Nunelucio Alvarado. The group Sinagayan Kahoneros is starting to make a mark in the music industry as they play their box instrument that has local feel.
Join Susan Enriquez and Cesar Apolinario this Wednesday in the second part of Negros Occidental Special of I Juander, eight o’clock in the evening on GMA News TV as they answer the question:
I Juander, why are Negrenses sweet?