Ang mga babaeng minahal ni Dr. Jose Rizal, kilalanin sa 'i Juander'
I Juander, sino si Rizal sa mata ng mga babae na kanyang minahal?
Pebrero 6, 2019
Ngayong love month, mag throwback muna tayo sa history ng love life ng isa sa pinakasikat na bayani---si Dr. Jose Rizal.
Ang talas ng pag-iisip at mabulaklak na pananalita, hindi lang daw ginamit ni Dr. Jose “Pepe” Rizal sa pakikipaglaban sa mga Kastila, kundi pati sa kanyang buhay pag-ibig. Katunayan, sinasabing nagkaroon si Pepe ng mahigpit sa sampung nobya.
Ang maituturing nga raw na first love ni Rizal na si Segunda Katigbak. Deisi seis anyos daw si Pepe nang ma-love at first sight sa noo'y katorse anyos na dalaga. Pero naging sila ba talaga o baka may iba pang first love ang matulis na bayani? Ito ang ikukuwento ng mismong mga apo ni Segunda.
Marahil kapag pinag-usapan ang buhay pag-ibig ni Rizal, hindi puwedeng mawala ang pangalan ni Leonor Rivera na itinuturing daw na one true love ng bayani. Katunayan, kahit nasa Europa na si Rizal, naipagpatuloy pa rin nila ang kanilang LDR o long distance relationship sa loob ng labingisang taon. Pero totoo ba na may isa pang Leonor sa buhay ni Rizal?
Kilalanin ang iba pang mga babaeng nagpatibok sa kanyang puso. Kabilang na si Josephine Bracken, ang babaeng nakilala niya sa Dapitan at kanya pang pinakasalan bago ang nakatakda niyang pagbitay.
Hindi lang ang kanyang kabayanihan kundi pati ang buhay pag-ibig ni Dr. Jose Rizal ang uungkatin nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario. Tumutuok sa I Juander ngayong Miyerkules alas-otso ng gabi sa GMA News TV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan:
I Juander, sino si Rizal sa mata ng mga babae na kanyang minahal?
ENGLISH
His brilliant mind, and eloquence, is not only used by Dr. Jose Rizal in revolting with the Spaniards, but also in courting the women he likes. In fact, he is believed to have ten sweethearts.
Segunda Katigbak is believed to be Rizal’s first love. It was believed to love at first sight for the then sixteen years old Rizal. But were they able to be together or did Rizal have other woman that time? Segunda’s living grandchild will reveal the answer.
When the topic of Rizal’s love life, the name Leonor Rivera comes up. She is considered as Rizal’s one true love. In fact, even when Rizal was in Europe he still continued to get in touch with her for about one year. But is it true that there is another Leonor in Rizal’s life?
Get to know the other women that made Rizal’s heart beat faster. Including Josephine Bracken, the woman he met in Dapitan and married before he was executed.
Not only Rizal’s heroism, even his love story will be recalled by Susan Enriquez and Cesar Apolinario. Please watch I Juander, Wednesday, eight o’clock in the evening. As they answer the question:
I Juander, who is Jose Rizal in the eyes of the women he loved?