Tips kung paano maging maayos at masinop sa gamit, ituturo sa 'i Juander'
I Juander, paano maging maayos at masinop sa gamit si Juan?
January 30, 2019
Hindi lang daw sa love life dapat matutong mag-let go si Juan, kundi maging sa mga lumang gamit? Diyan daw hirap ang limampu't pitong taong gulang na si kuya Willy. Katunayan, ang maliit na tirahan nila ng kanyang pamilya, punong-puno ng mga bote, garapon at kung ano-ano pang mga anik-anik! Ultimo lumang mga resibo at bungkos ng bawang na labinanim na taon na ang tanda, itinatabi pa rin ni kuya Willy!
Ang binansagang “bae transformer” ng Cavite na si JM, kayang-kaya raw mag-transform sa beauty ni Ms. Universe 2018 Catriona Gray o ng tinaguriang Songbird Supreme na si Mariah Carey. Pero ang mas may kailangan daw ng transformation, ang kanyang mini studio na mistulang bodega sa dami ng nakatambak na gamit.
Para sa mga gustong makapaglinis at makapagbawas ng gamit sa pagpasok ng bagong taon, ang puwede raw subukan ang KonMari Method. Sa paraang ito, dapat daw alisin ang mga kagamitang hindi na nakapagpapasaya sa isang tao. Ang mag-asawang Macky at Nina na sa kabila ng pagkakaroon ng kanya-kanyang negosyo, mas piniling manirahan sa maliit na condo unit, walang refrigerator at mabibilang lang sa daliri ang mga damit at sapatos.
Maging sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario, susubukan din magbawas ng gamit. Abangan lahat ng 'yan sa I Juander ngayong Miyerkules, alas-otso ng gabi sa GMA News TV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan:
I Juander, paano maging maayos at masinop sa gamit si Juan?
English:
Not only should Juan let go in the love life subject matter, but also in letting go of Juan’s old things? This is where the fifty year old Willy is struggling from. He lived in a small place with his family, full of various kinds of bottles and even old receipts and sixteen year old garlic collections.
JM, the “Bae transformer” of Cavite, can do make up transformation to the beauty of Ms. Universe 2018 Catriona Gray or the known songbird Supreme Mariah Carey. But there is something else that needs transformation, he needs to transform his mini studio to be clutter free.
For those who want to clean and lessen things this New Year, you can try the KonMari Method. In this method, you have to remove the things that no longer spark joy for a person. Macky and Nina are couple who has their respective businesses chose to live in a small condo unit without refrigerator and with just a few things.
Even Susan Enriquez and Cesar Apolinario will try to let go of some of their things. Please watch I Juander this Wednesday, eight o’clock in the evening on GMA News TV, as they answer the question:
I Juander, how can Juan be organized in his things?