Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga throwback na libangan ni Juan, babalikan sa 'i Juander'


I Juander, ano-ano ang mga throwback na libangan ni Juan?
January 23, 2019

Maraming millenials daw ang hindi na alam ang mga laro noon, ibang-iba kasi ang libangan noon sa kanilang mga trip ngayon. Kaya ngayong miyerkules, throwback Wednesday tayo mga Ka-Juander para ipakita ang mga libangan noong '80s at '90s.



Certified batang 90's daw ang Kapuso stars na sina Ken Chan at Rita Daniela, ang tambalang bumibida sa afternoon drama series na “My Special Tatay.” Hilig daw noon ni Ken ang maglaro ng teks, goma at holen. Si Rita naman, plastic balloon at paper dolls daw ang libangan noon. Samahan sina Ken at Rita na balikan ang masasayang alaala ng kanilang kabataan.



Kung sa modernong panahon, Ebooks na ang uso o yun bang sa internet na lang binabasa ang mga libro, dati mabenta ang mga pocketbook na ang karaniwang tema – romance. Pero si Ron, hanggang ngayo'y dumadayo pa rin daw ng Recto para bumili ng paborito niyang  mga pocketbook. Ang kanyang koleksyon, umabot na nga sa tatlumpung libong piraso. At kung ngayon, digital na rin ang pakikinig ng musika, dati walkman ang “in”, na pinatutugtog pa gamit ang cassette tape.



Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario na balikan ang mga nausong libangan noong dekada otsenta at nobenta. Tumutok sa I Juander ngayong Miyerkules, alas-otso ng gabi sa GMA News TV at alamin ang sagot sa tanong ni Juan:

I Juander, ano-ano ang mga throwback na libangan sa bayan ni Juan?



ENGLISH

Many millenials are unaware of the old games, since they have different form of recreation nowadays. This wednesday, join Susan Enriquez and Cesar Apolinario reminisce the various form of entertainment in the eighties and nineties.

Kapuso stars Ken Chan and Rita Daniela who are leading in the afternoon drama series “My Special Tatay” are certified kids of the nineties. Ken enjoyed playing teks or cards, rubberband, plastic balloons and marbles; while Rita used to play paper dolls. Join Ken and Rita as they share their good memories in playing when they were younger.

In the modern times, reading in Ebooks is the trend. Before, people buys pocket book to read romance novels. But even now, Ron still goes to Recto to buy his favourite pocketbook. His pocket book collection has now reached to thirty thousand. And if today, listening to music is already digital, people used “Walkman” using cassette tape years ago.

Join Susan Enriquez and Cesar Apolinario as they revisit the trending form of entertainment in the eighties and nineties, this Wednesday, eight o’clock in the evening on GMA News TV!