Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga pampasuwerteng pagkain, ihahain sa 'iJuander'


I Juander, ano-ano ang mga pampasuwerteng pagkain ngayong 2019?
January 9, 2019

Dahil hangad ng bawat Juan ang masaganang bagong taon, bakit hindi raw maghain ng mga pagkaing nakabubusog na, nakapagdadala pa umano ng suwerte.


Dahil Year of the Earth Pig ang taong 2019, ano pa nga ba ang pagkaing makapagbibigay daw ng suwerte kundi baboy! Kaya nararapat lang daw na maging bida sa mga handaan ang lechon. Pero para doble-doble at triple-triple ang pumasok na suwerte, bakit hindi raw subukan ang “Carnivore Lechon” sa lungsod ng San Juan. Talaga namang baboy overload dahil ang lechon, pinalamanan ng tatlong klase ng sausage at nilagyan pa ng bacon!


Lalangoy din daw sa suwerte si Juan kung maghahain ng mga lamang-dagat lalo na ng isda. Kaya nga tradisyon na ng mga Tsino na maghanda ng Yusheng o “Flying Raw Fish Salad” sa ika-pitong araw ng Chinese New Year. Mula sa pagluluto, plating hanggang sa mismong pagkain, may tradisyon daw na kailangan sundin para pumasok ang suwerte.


Alamin din kung ano-anong mga prutas ang makapagdadala rin daw ng suwerte sa taong 2019. Pero alin naman kayang mga prutas at pagkain ang sinasabing kamalasan ang dala ngayong Year of the Earth Pig?

Ang sagot dito, ibabahagi nina Susan at Cesar sa ngayong Miyerkules, alas-otso ng gabi sa GMA News TV.



ENGLISH

Because every Juan wants a prosperous New Year, why don’t we try to serve food that is not only filling, but can also bring good luck.

2019 is the year of the Earth Pig, and what better foods to serve that will bring luck is of course none other than pig. Lechon is always the center of every celebration, but to double or even triple good luck, why not try the “Carnivore Lechon” in San Juan. This is totally meat overload because the lechon is filled with various kinds of sausage and bacon.

Serving seafood like fish is believed to also bring good luck, that even the Chinese serve Yusheng or “Flying Raw Fish Salad” on the seventh day of Chinese New Year. From the preparation to the serving of the dish, they follow a tradition in order to bring good luck.

Find out the fruits that brings good luck in 2019. And learn about the fruits and other food that is believed to bring bad luck in the year of the Earth Pig.