ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga orihinal na panghimagas ni Juan tuwing Pasko, bida sa 'iJuander'


I Juander, ano ang orihinal na panghimagas ni Juan tuwing Pasko?
Ngayong Miyerkules, ika-12 ng Disyembre, 2018!

Literal na nagpapatamis sa pagdiriwang ng Paskong Pinoy ang mga paboritong panghimagas ni Juan na bibingka at puto bumbong. Ang puwesto nga ng Winnie's Bibingka, halos tatlong dekada nang binabalik-balikan ng kanilang mga suki. Samantalang ang linamnam ng puto bumbong ni Jessica, pitong dekada na raw nilang hindi binabago ang recipe. Pero para sa naghahanap ng kakaiba, tikman daw ang sarap ng “flanningka” o ang pinagsamang leche flan at bibingka. Pati na ang puto bumbong na ginawang cake.


Ang paggawa ng ensaymada, ika-labimpitong siglo pa raw natutunan ng mga Pilipino mula sa mga Kastila. Ito nga raw ang kadalasang inireregalo noon sa mga Ilustrado kapag may mahahalagang okasyon gaya ng Pasko. Gayun din ang leche flan na noo'y tinatawag na “tocino del cielo.” Samantalang ang karaniwang mga mamamayan – ube halaya ang panghimagas na madalas pinagsasaluhan tuwing Kapaskuhan.

Sa mga Kastila rin natutunan ng mga Pilipino ang pagpoproseso ng asukal na siyang naging daan para matutunan nila ang paggawa ng panutsa de bao – na isang uri rin ng minatamis. Paborito nga raw ito noon ng mga prayle at magsasaka.


Pero I Juander, alin nga kaya sa mga ito ang maituturing na orihinal na panghimagas ni Juan tuwing Pasko? Samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario na alamin ang kasagutan. Tumutok sa I Juander ngayong Miyerkules alas-otso ng gabi sa GMA News TV.



ENGLISH

It is a sweet celebration of Filipino Christmas as we feature Juan’s favourite desserts, like bibingka or rice cake and puto bumbong or purple rice cooked in bamboo. Winnie’s bibingka has been people’s go-to place for almost three decades now; while, Jessica’s puto bumbong original recipe has been served for seven decades. But for some, who prefer a different twist, try out “flannigka” or a mixture of bibingka and leche flan, and a puto bumbong made into cake.

It was in 17th Century when Filipinos learned how to make ensaymada from the Spaniards. This was commonly given as present of the Ilustrados during special occasions like Christmas, and also leche flan that used to be called as tocino del cielo. While the ordinary people usually prepare ube halaya or purple yam for dessert during Christmas.

Filipinos also learned from the Spaniards how to process sugar that made way in the making of panutsa de bao, a variety of sweet candy, which the farmers and friars like.

But I Juander, which of these is considered as our original dessert during Christmas?  Join Susan Enriquez and Cesar Apolinario in looking for the answer. Please watch I Juander this Wednesday, eight o’clock in the evening on GMA News TV!