Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Painless pampaganda, alamin sa 'i Juander'


 

I Juander, ano-ano ang mga painless na pampaganda ni Juan?

 


Taas ang kamay ng mahihilig mag-makeup at magpaputi! Ayon nga sa isang pag-aaral, tatlo sa kada limang katao o walumpu't limang porsiyento             ng populasyon ng Pilipinas ang naghahangad ng maputing balat.

 


Out na nga raw ang pag-inom at pagturok ng glutathione. Dahil ang uso ngayon, ang mga tinatawag na whitening laboratory. Sa halagang umaabot ng tatlumpu't limang libong Piso, ipinapasok ang pasyente sa tinatawag na collagen machine na siyang magbibigay daw ng instant glow sa skin. Pero ingat-ingat lang sa mga produktong pampaputi dahil baka matulad kay Jona. Imbis na pumuti ang kanyang kili-kili, mas lalo pa raw itong nangitim. Nagdulot din ito ng pamumula na kumalat pa sa kanyang braso at leeg.

 


Bilang suki naman ng mga beauty contest sa Pampanga, madalas daw na todo makeup si Grace. Pero mayroon din palang ikinukubli ang mga kolorete niya sa mukha. Nang dahil kasi sa isang aksidente, nagkaroon siya ng pilat sa noo, baba at ilong. Hindi na rin pantay ang kanyang kilay at mata. Kilalanin din ang mukha sa likod ng iba't ibang mga makeup transformation na nag-viral kamakailan lang sa social media si Letisha. I Juander, magaya rin kaya niya ang look ni Susan Enriquez? At ma-achieve din kaya ni Susan ang makeup transformation na pang “Star for All Seasons” ang peg?

 


Balikan din ang kasaysayan at alamin kung bakit maski noong sinaunang panahon tila mas mataas na ang pagtingin ng lipunan sa mapuputi at mestiza. Abangan lahat ng 'yan ngayong Miyerkules sa I Juander, alas-otso nang gabi sa GMA News TV. At samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario na alamin ang sagot sa tanong ni Juan:

 


I Juander, ano-ano ang mga painless na paraan ng pagpapaganda ni Juan?

English:

For those who are fond of beauty and whitening products, this is for you! According to a study, three in every five person or eighty percent of the population of the Philippines are dreaming of lighter skin.

Drinking and injecting glutathione is already out, because the latest fad is whitening laboratory. For the price of thirty five thousand pesos, the patient will be placed in a collagen machine that will give instant glow in the skin. But we also have to be wary of withening products to avoid what happened to Jona. After she applied whitening cream in her underarm, the part got darker. It also caused redness that spread to her arms and neck.

Grace is always fully made up, as she loves joining beauty contests in Pampanga. But little did people know she is hiding something. Because of an accident, she had a scar in the forehead, chin and nose. Her eyebrows and eyes are also not proportional. We will also get to know the face of various make up transformation that became viral in Social Media, she is Leticia. I Juander, will she be able to transform to be like Susan Enriquez? And can Susan achieve make up transformation in the peg of the “Star for all Seasons”?

We will also trace back the history and understand why in the old times, people look up to people with lighter skin and meztizas. Please watch I Juander, Wednesday, eight o’clock in the evening on GMA News TV. Join Susan Enriquez and Cesar Apolinario as they answer the question:

I Juander, what are the painless ways to improve beauty?