Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

I Juander, paano nga ba manligaw si Juan sa modernong panahon? 


 


I Juander, paano manligaw si Juan sa modernong panahon?

Sa panahon ngayon, digital na ang maraming bagay, pati na nga rin daw ang panliligaw. Gaya na lang nina Nathaniel at Belen, na nagkakilala sa dating app na “Tinder.” At makalipas ang halos isang taong pakikipag-chat sa isa't isa, sa wakas nagdesisyon na silang mag-eyeball. Saan kaya hahantong ang unang pagtatapo nina Nathaniel at Belen?

 

 


Ngayon, hindi na lang din daw mga lalaki ang umi-i-style sa panliligaw, kundi pati ang mga babaeng gaya ni Cath. Paano nga ba niya sinuyo ang boyfriend na si Michael? At tanggap naman kaya ito ng lipunan sa modernong panahon? Alamin din ang love story nina Cherrie at Arjay, na nagkamabutihan nang dahil naman sa online games.

 


 

Maski ang tradisyunal na paraan ng panliligaw ng mga katutubong Dumagat, tila unti-unti na rin nababaon sa nakaraan. Kaya ang mga nakatatanda sa kanilang tribo, layuning ituro ito sa makabagong henerasyon. Gaya ng tradisyunal na paninilbihan pati na ang panunuyo gamit ang iba't ibang klase ng dahon.

Kiligin sa mga kuwento ng ligawan at pag-iibigan na nabuo sa makabagong paraan. Tumutok sa I Juander ngayong Miyerkules alas-otso nang gabi sa GMA News TV. At samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario na sagutin ang tanong ni Juan:

“I Juander, paano nga ba manligaw si Juan sa modernong panahon?”

Digital is the way to go these days, even in courtship. Nathaniel and Belen met in the dating app called Tinder. After almost one year of chatting, they finally decided to meet. Would their meet up lead to a good relationship or goodbye?  

Today, not only men initiate the courting, even ladies like Cath, she will share how she courted her now boyfriend Michael. But is this modern style accepted in the society? Cherrie and Arjay will share their love story that develops their relationship through online games.

Even the traditional ways of courtship of the Dumagat tribe is less practiced nowadays. The elder of the tribes try to preserve their culture by teaching the younger generation the old ways of courting; like the traditional ways of serving and communicating to a lady using different kinds of leaves.

Learn the hearwarming stories of love and courtship in the modern times, watch I Juander this Wednesday, eight o’clock in the evening on GMA News TV. Join Susan Enriquez and Cesar Apolinario as they answer the question:

I Juander, how does Juan court in the modern times?

Tags: cpdavid