'i Juander,' may laban ba ang sabaw ni Juan sa sabaw ng mga dayuhan?

I Juander, may laban ba ang sabaw ni Juan sa sabaw ng mga dayuhan?
Kapag ganitong simula na ng tag-ulan, ano pa nga ba ang masarap na pampainit kundi ang humigop ng sabaw. Pero alin kaya ang mas panalo sa panlasa ni Juan, ang mga putaheng Pinoy na may sabaw o ang sa mga dayuhan? Iyan ang inalam ng I Juander sa pamamagitan ng isang food battle.

Sa unang round, dalawang exotic na putahen ang maglalaban. Ang soup no. 5 na karaniwang may sahog na ari ng baka – hindi lang pala sa Pilipinas matitikman. Mayroon din nito sa bansang Thailand. Ang tawag dito, Sup Xwaywa. Ano kaya ang pagkakaiba ng dalawa? At alin ang mas magugustuhan ng mga taste tester na pawang mga batikang chef at food blogger?

Ang putok batok naman na putaheng bulalo, maihahambing sa Petite Marmite ng bansang France. Samantalang ang papaitan ng mga Ilokano – may pagkakatulad sa Sekba ng Indonesia. Alin naman kaya sa mga ito ang mas bebenta sa panlasa ng mga hurado?

Alamin din ang sinabawang pagkain na naging paborito raw noon ng bayaning si Gabriela Silang. At kayanin din kaya ng sikmura ni Juan ang ilang mga exotic na putahe gaya ng Asadong Bahay Bata ng Itik Soup.
Mainit-init na usapan at nakatatakam na kainan. Tumutok sa I Juander ngayong Miyerkules alas-otso nang gabi sa GMA News TV. At samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario na sagutin ang tanong ni Juan:
“I Juander, may laban ba ang sabaw ni Juan sa sabaw ng mga dayuhan?”