Mga lugar na agaw-pansin ang pangalan, tampok sa 'iJuander!'
Dito sa bayan ni Juan – may mga lugar na tila may kakaibang pakahulugan ang pangalan. Nagkataon lang ba ang mga ito o baka may mas malalim na pinaghuhugutan?!
Ang real-life sweethearts at internet sensation na sina Jon Gutierrez at Jelai Andres, dumayo ng Bulacan kung saan may mga lugar na kakaiba ang katawagan. Si Jon, feel at home daw sa Pogi Street?! Samantalang si Jelai naman, “hindi pa raw ready” manirahan --- sa Buntisan Street!
May mga lugar din dito sa bayan ni Juan na sa pangalan pa lang – talaga namang pangingilagan na. Ka-Juander, gugustuhin mo bang mapadpad sa Sitio Pulong Diablo at sa Barangay Encanto?! I Juander, bakit kaya ito ang naging pangalan ng lugar?
At sa Tagaytay naman, matatagpuan ang barangay kung saan tila “chill” lang daw ang mga residente -ang Barangay Kaybagal! Pati na rin ang bundok kung saan bawal daw ang kaunti --- ang Mt. Marami!
Ngayong Miyerkules, 'wag nang pumunta kung saan-saan! Tumutok sa I Juander, alas-otso nang gabi sa GMA News TV. At samahan sina Susan Enriquez at Cesar Apolinario na sagutin ang tanong ni Juan: I Juander, bakit may mga lugar sa bayan ni Juan na agaw-pansin ang pangalan?