'I Juander,' ano-ano ang mga laro ng lahi ng sinaunang Pilipino?
Batang 80's o 90's ka ba ka-Juander? Kung oo, sa malamang pamilyar ka sa ilang mga tradisyunal na larong Pinoy gaya ng tumbang preso, agawan base at trumpo.
Pero narinig n'yo na rin ba ang larong “babuy-babuyan?” At bakit kaya ito ang tawag sa larong ito? Yan ang aksidenteng malalaman ni Cesar Apolinario! Habang si Susan Enriquez naman, isang kakaibang bersyon ng taguan ang lalaruin. Ang kailangan niyang hanapin --- hibla ng buhok?
Alamin din ang mga larong nakagisnan ni Juan, na impluwensiya pala ng mga dayuhan, gaya ng pukpok palayok na mula pala sa Mexico, at ang tumbang preso na itinuro naman daw ng mga Kastila.
Kaya sumali na't balikan ang masasayang alaala ng inyong kabataan. Abangan 'yan sa I Juander ngayong Miyerkules, alas-otso nang gabi sa GMA News TV.