ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Femy’s Rag Making and Web Express!"


Episode on April 30, 2011 Saturday 7:00 AM With a little imagination and some entrepreneurial skills, there’s no product too small that you can’t earn from! Take it from Aling Femy who makes a living out of making rags! This Saturday, Chris Tiu and the Hanep Team, with Kapuso guest host Suzi Entrata-Abrera, will raid Aling Femy’s rag making shop and give her one hanep business makeover! And do you have a business but have no clue on how to make your own website? Chris Tiu with some web experts will give you a hand in Hanep Buhay ’s Konek! BIGAYANG BAYAN: Femy’s Rag Making Our handy rags can wipe away most dust and dirt, but who would have thought that this everyday piece of cloth provides a living for a hardworking entre-Pinay? Meet mother of four, Aling Femy Tongco. She needed to find a way to earn some money as a housewife, and making rags was her answer. Aling Femy is such an expert that after 10 years of rag making, she can make 3 thousand rags in one day! But that’s also why her sewing machines are all worn out! Old and rackety, her one and only machine is in danger of retiring. This sounds like a job for Chris and the Hanep Team! Along with Suzi Abrera, Chris has a surprise prepared – one thousand kilos of cloth, a paint and roofing job, and two brand new sewing machines for Aling Femy’s business! Hanep! KONEK: Web Express These days, no business is complete without its own website. With thousands of people connected to the internet everyday, having a presence in the World Wide Web is one way of reaching out to your market. Entre-Pinoy Dennis Ng saw this important need thus making webexpress.ph. It’s a do-it-yourself website creator that can make you a website in 5 minutes! How webexpress works and how this could be used for business, find out this Saturday! Hanep Tips Are you always low on budget and scrimping on funds? Basketball heartthrob and entrepreneur Chris Tiu will give you some smart money tips on how to save this summer! All this and more in Hanep Buhay: ang programang todo bigay sa inyong pag-asenso!
Walang duda, may mga bagay na gaano man kaliit, ay puwede pa ring pagkakitaan! Tulad nalang ng bunton-bunton na mga basahan ni Aling Femy! Ngayong Sabado, aarangkada nanaman sina Chris Tiu at ang Hanep Team kasama ang Kapuso guest host na si Suzi Entrata-Abrera sa pagbibigay ng hanep na sorpresa kay Aling Femy Tongco! At, gusto niyo bang magtayo ng website para sa inyong negosyo pero hindi niyo alam kung paano? Tutulungan kayo diyan ni Chris Tiu at ng mga web experts sa Konek! BIGAYANG BAYAN: Femy’s Rag Making Anumang kailangang linisin, pakintabin, o punasan, ang basahan laging maasahan! At ang kapirasong telang ito na madalas ismolin, ay pera ang ibig sabihin para sa kapartner nating si Aling Femy Tongco. Isang maybahay na may apat na anak, mag sasampung taon na siyang nananahi ng basahan para tustusan ang kaniyang buong pamilya. Sa sipag ni Aling Femy, kaya niyang magtahi ng tatlong libong basahan sa isang araw! Kaya naman tila naghihingalo na ang kaniyang nag-iisang makina! Kaya isa na naman itong misyon para sa Hanep Team! Bukod sa mga makabuluhang tips para sa kaniyang business, magdadala sina Chris at Suzi ng isang libong kilo ng tela pang retaso, mga gunting, sinulid, at dalawang bagong makina para sa negosyo ni Aling Femy! Hanep! KONEK: Web Express Sa kahit anong negosyo, dapat laging pasok sa uso! At dahil halos lahat ng tao ay konektado na sa internet, hindi kumpleto ang isang business kung wala itong website! Kaya naman naisipan ni Dennis Ng ang webexpress.ph, isang do-it-yourself website creator kung saan makagagawa ng sariling website sa loob lamang ng limang minuto! Para malaman kung paano, sasamahan kayo ni Chris Tiu ngayong Sabado! Hanep Tips Lagi ba kayong nabubutasan ng bulsa at nauubusan ng pera? May sagot diyan ang basketball hearthrob at entrepreneur na si Chris Tiu. Ilang mga wais tips ang kaniyang ibabahagi para makaipon at makatipid ng pera! Ngayong Sabado lang iyan sa programang todo bigay sa inyong pag-asenso, ang Hanep Buhay!