Mga bagong pasyalan sa Baguio, alamin!
Good News Kasama si Vicky Morales
April 02, 2022
Baguio Blast
Good news, wala nang visitor limit sa siyudad sa Baguio. At para malaman ang mga bagong pasyalan dito, isinama ng Good News ang Kapuso star na si Crystal Paras. Sa Mirador Heritage and Eco Park, para ka raw lumipad sa Japan. Dito kasi matatagpuan ang Mirador Peace Memorial na may hawig sa Torii Gate ng Japan. Para ka naman daw pumunta sa isang garden sa Korea sa Bamboo Sanctuary, Dito matatagpuan ang mga kawayan na may iba't ibang mga kulay. Gusto mo bang masilayan ang English countryside? Mag-book na sa isang Tudor-style house na pinagbibidahan ng glass tree house at catered meals.
Baguio's Culture and Traditions
Para matutuhan ang mayamang kultura ng Igorot, lumibot si Crystal sa mga pasyalang hitik sa mga lokal na tradisyon. Kabilang dito ang Igorot Stone Kingdom na naitayo dahil sa pagpapatung-patong ng mga bato. Sa Ili-Likha Artists' Watering Hole, nasaksihan ni Crystal ang pagkamalikhain ng mga taga-Baguio. Ang mga istraktura rito, parang mga obra, tulad ng stair railing na gawa sa lumang bisikleta. Tinikman din ni Crystal ang Silet Sungo, isang Cordilleran dish na sinahugan ng lamang-loob ng baboy.
Leveled-up Baguio
Kung dati, strawberry taho lang ang sikat na strawberry-inspired food sa City of Pines, ngayon, umaariba na rin ang Strawberry Sinigang at Strawberry Adobo. Ito ang mga tinikman ng rising Kapuso star na si Crystal Paras. Sa pagpapatuloy ng kanyang food trip, nilantakan din ni Crystal and Kiniing Pizza na gawa sa cured meat specialty ng Ifugao. Nang nabusog na, tumungo si Crystal sa Baguio Botanical Garden na may bonggang mga upgrade.