Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Giant burger, purple power at natural immunity booster, tampok sa Good News ngayong Sabado!


 

KAKASA KA BA? Giant Burger edition

Para sa pinakabagong KAKASA KA BA? challenge ni Maey B., nag-imbita siya ng dalawang pamilya ng mukbangers. Ang kanilang challenge, ang ubusin ang giant burger na kasinglaki ng bilao! Sino kaya ang makakaubos na mala-higanteng burger na 'to?

 

Purple Power!

Ang kulay na purple, may pagkakahawig sa idineklarang Pantone Color of the Year, ang very Peri. Kaya naman kikilalanin natin ang mga kapuso nating paborito ang kulay na 'to. Mula sa isang avid purple collector, pupunta tayo sa isang car wash slash cafe na pinagbibidahan ng K-pop group na BTS, at ang official color nito na purple. Sa Rizal naman, isang cafe ang naghahain ng kakaibang putahe, ang Ube Pasta.

 

Natural Immunity Boosters

Ngayon panahon ng COVID-19 at trangkaso, paano ba mapapalakas ang resistensya at mabibigyang ginhawa ang mga sintomas? Ang say ng eksperto, pwedeng sundan ang mga home remedy.