Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Fiesta Meals, tampok sa 'Good News'!


Good News Kasama si Vicky Morales
May 17, 2021

Pampalamig Below 100

Paano maiibsan ang hot and sticky feeling ngayong tag-init? Hatid ng Good News ang cool treats na below 100 pesos na pwede n'yong subukan ngayong summer. Umpisahan natin sa classic ice scramble na may three flavors in one. Craving for more? Subukan ang ice candy na may Red Velvet at Black Forest variants. At para sa mahihilig sa milk tea, siguradong hindi kayo bibiguin ng flavor na hindi lang healthy, inspired pa ito ng K-pop.


Walang Kasinglakas na Singkamas!

Ang singkamas na hitik tuwing tag-init, bibida sa ating hapag-kainan. Kasama ng ating guest chef, bibigyan natin ng bagong bihis ang tuber na ito. Subukang gawin ang mga recipe na hindi lalagpas sa isang daang piso. Nariyan ang Singkamas Hash Brown, Chicken Singkamas Guisado, Tuna Singkamas Salad, and for dessert, ang Cinnamon Singkamas Ala Mode.


Fiesta All Day!

Miss na miss mo na bang makikain tuwing may fiesta sa probinsya?  Worry no more dahil ang paboritong pagkain tuwing fiesta, makakain mo na sa Metro Manila.  Celebrate fiestas with your family starting with Lumpia Cake.  Pero kung pangmalakasan ang gutom, i-level up ang kainan sa boodle bilao na aming nadiskubre.  Hindi naman mawawala ang kakanin sa kahit anong fiesta, kaya subukan nang mag mix-and-match ng kakanin in one bilao.

 

Tags: fiesta, good news