Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Essential lugaw recipes, tampok sa 'Good News'!


Good News Kasama si Vicky Morales
April 19, 2021

Ooh-La-La-Lumpia!

Hindi lang turon o lumpiang shanghai ang pwedeng lutuin gamit ang lumpia wrapper. Kasama ang aming guest chef, ituturo namin ang kakaibang lumpia recipes na tiyak magugustuhan ng buong pamilya. Aariba sa almusal ang lumpia version ng churros at pancake, habang pwedeng ulam ang lumpia tortilla. Para sa meryendang may Italian twist, subukan ang lumpia pizza.


Lugaw Love!

Tanggapin na ang katotohanang "Lugaw is essential" Kaya naman tinikman ni Love Añover ang sari-saring mga paandar nito. Inumpisahan niya ang pagsampol ng gotong pinagbibidahan ng puwet ng manok. Abot-langit naman ang kaniyang kabusugan sa mga gotong linagyan ng sinigang at Bicol Express twist. Para sa lugaw na kakaiba, sinubukan niya ang version na may sisig at adobo egg.


Kapuso Cooking

Ngayong pandemya, ilang mga Kapuso star ang sumabak sa kusina. Sa tulong ni Maey B, aalamin natin ang fried rice recipe ng dashing leading man na si Richard Yap. Hindi naman magpapahuli ang versatile drama actress na si Jennylyn Mercado sa pagbibida ng kaniyang homemade pizza. Para sa healthy and yummy pasta recipe, si Alice Dixson ang bahala.