Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
10th Anniversary ng 'Good News', abangan!
Good News Kasama si Vicky Morales
March 15, 2021
10th Anniversary Special
Dahil isang dekada na ang Good News, sumakay ng helicopter si Maey B papuntang Quezon. Sa bayan ng Padre Burgos, sinubukan niyang manghuli at magluto ng pugita. Dessert na kalabasa? 'Yan naman ang tinikman ni Maey sa Lucban, ang Binagkat na Kalabasa. Dito rin niya nilantakan ang nakaiintrigang Bumbay na sinangkapan ng baga ng kalabaw.
Sa Calendaria, Quezon ibibida ni Love Añover ang flower farm na tahanan ng naglalakihang sunflowers at iba pang mga halaman. Para sa authentic native delicacies, inalam niya kung paano lutuin ang Putanghir o Ginataang Talbos ng Kamoteng Kahoy, na maski hindi maganda sa pandinig ay aprub naman sa sikmura. Para sa healthy ulam, siguradong matatakam kayo sa Seafood Sinantolan.
Tumungo naman si Bea Binene sa Real, Quezon. Dito, namasyal siya sa Balagbag Falls, sumubok mag-skim boarding, at nagpakabusog sa Ginataang Kuhol at Sinantol. Pero ang talagang na-enjoy ni Bea, ang pagkain ng paborito niyang seafood na nilantakan niya sa native delicacy na Tulya at Hipon sa Buko.
More Videos
Most Popular