Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Home remedies laban sa nanunuyo at nangingitim na labi, ibibida sa 'Good News'!


 

GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES
January 27, 2020

 

Walang Indianan

Ang indian mango, hindi lang sa bagoong o patis masarap i-partner! Sa Good News Kusina, isasangkap natin ang prutas na 'to  sa handaang hitik sa sarap at sustansiya. Umpisahan natin sa malamig na sopas--ang Cream of Mango Soup. Perfect naman with rice ang Sweet and Spicy Mango Pork. Dessert ba kamo? Hindi magpapahuli ang Eggless Mango Cheesecake.

 

Beinte, Benta

Ngayong 2020, malayo pa rin ang mararating ng inyong 20 pesos. Anong mabibili sa dalawampung piso? Pili na sa Muslim dish na pastil, chocolate milk tea, sisig sticks at ang turon with rum! Samahan si Maey B sa food trip na magaan sa bulsa.

 

Love your Lips

Ang ating mga labi, deserve ang pangangalaga. Kaya kung idinadaing ang nanunuyo at nangingitim na mga labi, may solusyon kami para riyan, gamit ang mga sangkap na matatagpuan sa kusina. Pati ang singaw at paso sa bibig, mabibigyan ng ginhawa, minus ng mamamahaling mga gamot.

 

Indoor Saya

Dahil nag-aalburoto ang Bulkang Taal at hindi natin mapasyalan ang Tagaytay, naghanap si Bea Binene ng mga lugar sa Manila na may mala-Tagaytay vibes! Para sa nature trip at good food, bumisita siya sa bahay ng National Artist for Architecture. Gusto mong mapa-happy ang mga chikiting? Sugod na sa play facility na kumpleto sa sports, role-playing at sari-spring activities. Swak naman sa buong pamilya ang cafe na may study area at libreng board games.

 

English Synopsis

In the Good News Kitchen, we use Indian Mango to create a menu rich in nutrients and yumminess. What can your twenty pesos buy this 2020? Take your pick from the muslim dish called pastil, chocolate milk tea, sisig sticks and fried bananas with rum. Join Maey B in this affordable yet filling food trip.  If you're complaining about dry and dark lips, we bring you solutions using natural ingredients found in the kitchen. Bea Binene sets out to discover places in Manila with Tagaytay-like vibes.

Tags: mango, goodnews