DIY hacks para ang naninilaw na ngipin pumuti, ibabahagi sa ‘Good News’!
GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES
January 20, 2020
Suwerte sa Taon
Ngayong Chinese New Year, alamin kung paano maaakit ang suwerte sa inyong tahanan at pamilya. Hatid naman ng aming chef ang mga recipe na layuning magbigay kasiyahan at kasaganahan sa inyong buhay
Sagipin ang mga Ngipin
Hadlang ba sa inyong killer smile ang masasakit at naninilaw na mga ngipin? Kasama ng isang dentista, aalamin natin ang mga home remedy para masolusyunan ang inyong mga problema. Ihanda na ang mga sangkap na matatagpuan sa kusina, gaya ng lemon, asin, paminta at balat ng itlog. Alamin kung paano makatutulong ang mga ito para tumamis ang inyong ngiti.
Pagkaing Patok sa Paningin
Ngayong 2020, magiging trending daw ang mga pagkaing katakam-takam tingnan. Kaya inalam ni Maey B kung saan matatagpuan ang mga chibog na hindi lang masarap sa paningin, kungdi patok din sa panlasa. Samahan siya sa pagtikim at pagkuha ng retrato ng mga kakaibang pagkain tulad ng Unicorn Puto, One-Meter-Long Barbecue, Cloud Coffee at Churro Loops.
Chillin' in Baguio
Para sa literal na chill vacation, pumunta si Bea Binene sa Benguet, kung saan swak ang malamig nitong klima sa Instagrammable farm na pinagbibidahan ng mga naggagandahang bulaklak. Dahil masarap kumain kapag malamig, nagpakabusog si Bea sa refreshing Strawberry Champorado sa isang hotel sa Baguio. Kung hanap naman ang pampasalubong, isang one-stop souvenir shop ang binisita ni Bea. Dito niya natikman ang panalong homemade yogurt.
English Synopsis
This Chinese New Year, find out how you can welcome luck and good fortune in your home. We also invite a chef to share recipes that seek to bestow happiness and abundance. We invited a dentist to share home remedies for teeth problems. To discover Instagrammable eats, Maey B sets out to sample and take photos of photogenic and delicious food. For a literally chill vacation, Bea Binene visits Baguio, whose climate is perfect for an Instagrammable places to go and eat.