Sulit at effective tips laban sa balakubak, alamin sa 'Good News'!
GOOD NEWS
KASAMA SI VICKY MORALES
December 2, 2019
Dingalan Pasyalan
Sa pamamasyal ni Maey B sa bayan ng Dingalan sa Aurora, binisita niya ang Lamao Caves na matatagpuan sa ilalim ng dagat. Hindi rin nagpahuli ang likas na ganda ng Tanawan Falls. Pagkatapos ng nature trip, sinundan naman niya ito ng food trip sa pagtikim ng local dishes, gaya ng Adobo sa Gatang Pugita at Kinilaw na Pugita.
Kakaibang Bibingka
Ngayong holiday season, bumibida na naman and kakaning bibingka! Pero hindi na lang ang tradisyonal na pagluluto nito ang umaariba. Samahan si Pauleen Mendoza sa pagtikim ng Cassava Bibingka at Bibingka Waffle. Dumayo naman siya sa Cavite para tikman ang bibingkang pinasarap ng ube halaya at macapuno.
Photogenic Food
Ngayong Christmas Season, i-level up and handaan sa mga pagkaing hindi lang nakatatakam, pero nakaaaliw ring tingnan. Tuloy po sa Good News Kusina, kung saan natin matututunan kung paano gumawa ng Santa Bananas, Hotdog Christmas Socks, Reindeer Pandesal at Cucumber Christmas Tree. Siguradong matutuwa ang inyong mga bisita sa mga pagkaing masarap kunan ng litrato.
Bye, Balakubak
Nakararanas ba kayo ng White Christmas? Hindi dahil sa snow ha, kungdi dahil sa balakubak! Para maalis ang makakating flakes, isang dermatologist ang aming inimbitahan para ibahagi ang home remedies. Gamit ang mga karaniwang sangkap gaya ng asin, lemon juice at coconut oil, magiging malusog at dandruff-free ang crowning glory.
English Synopsis
Maey B continues to explore Dingalan in Aurora. She visits the underwater Lamao Caves, and swims at the foot of Tanawan Falls. Pauleen Mendoza discovers new bibingka dishes with a twist, such as the Cassava Bibingka and Bibingka Waffles. Welcome to the Good News Kitchen, where we'll learn how to whip up Santa Bananas, Hotdog Christmas Socks, Reindeer Pandesal and Cucumber Christmas Trees. Using common ingredients, such as salt, lemon juice and coconut oil, you can enjoy healthy, dandruff-free hair.