Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kilikili hacks, ibabahagi sa 'Good News!'


 

GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES
November 25, 2019
Yaman ng Dingalan

Yaman ng Dingalan

Tatlong oras na road trip mula Maynila, mararating ang bayan ng Dingalan sa Aurora. Dito namangha si Maey B sa sari-saring likas-yaman. Mula sa Suah Rock Formation at malulusog na corals, hanggang sa sariwa at masasarap na tuna dishes, talagang nabusog si Maey sa mga 'di-malilimutang karanasan.

 

 
 
 

 

Ensaymada Saya

Ano nga ba ang pwedeng iregalo sa mga pihikang tita? Samahan si Anna Vicente sa pagtikim ng masasarap na ensaymadang may kakaibang paandar. Inuna niya ang ensayamadang may flavors na yema, blueberry, dulce de leche at cinnamon. Sunod ang ensaymada buns na pinalamanan ng burger patty. Para naman sa sosyaling tita, swak ang ensaymadang may hamon at mamahaling quezo de bola.

 

 
 
 

 

Pinya-linamnam

Siksik sa fiber at vitamin C, ang pinya, hindi lang masustansya, kungdi malinamnam din! Gawin itong bida sa noche buena sa mga recipe na kikiliti sa panlasa. Alamin kung paano lutuin ang Pininyahang Tilapia, Pineapple Teriyaki Meatballs, Sticky Pineapple Chicken, at No-Bake Pineapple Dessert.

 

 
 
 

 

Happy Kili-Kili

Ano ang hinagpis mo sa iyong kili-kili? Chicken skin? Ang pagiging maitim at mabuhok nito? Ang solusyong hinahanap-hanap mo, matatagpuan lang sa kusina! Kasama ng isang dermatologist, aalamin natin kung paano mapapaganda ng mga sangkap gaya ng lemon, papaya at honey ang iyong precious kili-kili.

 

 

 

English Synopsis:

Maey B gets her fill of unforgettable experiences in a three-hour road trip from Manila to Dingalan, Aurora.  Join Anna Vicente in sampling ensaymada with unique twists. Rich in fiber and Vitamin C, pineapples are not only nutritious, but also delicious! Make it the star of your noche buena feast with recipes that tickle the palate. What's your complaint about your underarms? Chicken skin? Dark skin? Unwanted hair? The answer to your problems can be found in your very own kitchen.