Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Atis, paano lalagyan ng twist?


GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES

September 30, 2019

Kapit-Bisig para sa Sisig

Ang sisig na paboritong pulutan ng mga Pinoy, binigyan ng international flavors na susubukan ni Maey B! Babagay kaya ang sisig sa masala, ang Indian cuisine sauce na may labing-tatlong spices? Paano naman kung hinaluan ang sisig ng tatak-Korea na kimchi? Alamin ang hatol ni Maey B sa mga sisig dish with international twists.

 

 

Yes, you CAN!

Naiinis ka na ba sa kalat sa inyong tahanan? Ang patapong lata ang bahala sa pag-aayos ng inyong kagamitan. Kasama si Love Anover, matututunan natin ang paggawa ng wine rack, desk organizer, at storage tower mula sa mga gamit na lata. Sa mga proyektong it, nakatipid ka na, nakatulong ka pa kay Inang Kalikasan.

 

 

Tamis ng Atis

Ang atis na in season ngayon, aariba sa mga recipe na magbibigay-sustansya sa inyong pamilya. Pumunta ang aming kitchen expert sa isang residential area sa San Mateo, Rizal na hitik sa mga puno ng atis! Itinuro niya sa mga residente kung paano lutuin ang Atis-Mango Spring Rolls, Adobong Manok sa Patis at Atis, at Ginataang Isda with Atis.

 

 

Binabalik-balikan na Batangas

Kahit ilang beses mong balik-balikan ang Batangas, marami pa rin itong maihahandog na mga bagong pasyalan. Samahan ang Kapuso hottie na si Bruno Gabriel sa pamamasyal sa isang glamping resort na pinagbibidahan ng heated pool na may overlooking view. Mahilig ba kayo sa photography? Bisitahin ang isang camera museum na tampok ang kauna-unahang underwater camera na dinisenyo ng isang French driver. Para sa food trip, sinubukan ni Bruno ang kakaibang bulalo ice cream.

 

 

English:

Maey B samples unique sisig versions cooked with masala, an Indian sauce made of thirteen spices; and the Korean staple, kimchi. With the help of Love Anover, we'll turn old cans into a wine rack, desk organizer and storage tower. Our kitchen expert visits a residential area in `San Mateo, Rizal, which is filled with atis trees. Here, he teaches residents how to cook unique dishes. Join Kapuso star Bruno Gabriel in his Batangas escapade, he visited a glamping resort, a camera museum, and got savor bulalo ice cream.