Mga tira-tira, may pakinabang pa rin ba?
GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES
August 12, 2019
Let Us Eat Lettuce
Ang lettuce na inaakala mong pang-salad o pang-samgyeupsal lang, pwede pang bumida sa sari-saring putahe. Tuloy po kayo sa Good News Kusina, kung saan ituturo namin ang pagluluto ng Lettuce Dumplings, Lettuce Pasta and Lettuce Rolls, at Lettuce Panna Cotta. Ang ating 3-course meal na pinagbibidahan ng healthy dahon, siguradong siksik sa sarap at nutrisyon.
Ligo Na
Around the world ang drama ng mga spa na binisita ni Bea Binene. Inumpisahan niya sa Taiwan, kung saan galing ang mga wooden sauna ng isang Health and Wellness Center. Dito, bida ang detoxification treatment na magre-relax sa muscles at magtatanggal ng toxins sa katawan. Para naman sa Turkish bath, subukan ang Hammam sa isang health spa. Dito, init ang puwersang lilinis sa katawan. Para sa Japanese-inspired bath, binisita ni Bea ang isang hotel, kung saan masusubukan ang Japanese bath na Onsen, o ang pagligo sa hot spring.
Bulalo Panalo!
Ang bulalo na swak higupin ngayong tag-ulan, may mga bagong bihis na tiyak n'yong maiibigan. Sinubukan ni Maey B ang Flaming Bulalo na naglalagablab sa linamnam. Kung mahilig sa sipa ng anghang, nariyan ang Mexican Bulalo na ginawang espesyal ng Mexican spices. Para naman sa fruity paandar, tikman ang Bulalo with Grapes.
Tira-tirang Pakinabang
Ang mga natira sa pagkain, may mga pakinabang pa palang inyong ikabibilib. Umpisahan natin sa softdrink at ang bote nito na pwedeng gawing fly trap. Mahilig ba kayo sa mansanas? Huwag munang itapon ang gitnang bahagi nito, dahil pwede itong gawing panlinis. Pati ang buto ng avocado, may pakinabang sa pagpapaganda ng ating buhok.
Estudyante Blues
Kilalanin ang isang nanay na nagbalik sa Senior High School para makatulong sa pamilya. Dahil sa bagong batas na nag-uutos sa lahat ng mga operator ng transportasyon na bigyan ng 20% discount ang mga estudyante, meron kayang aalma kapag ipinaglaban ni nanay ang kaniyang karapatan? Aalamin din ni Love Anover kung sinusunod ng mga driver ang batas na ito.
English Synopsis
We welcome you to the Good News Kitchen, where we'll whip up exciting lettuce recipes. Bea Binene indulges in bath massages from all over the world. Maey B tries different and unique bulalo dishes. Don’t throw your food scraps yet, Good News will show you how you can still put them to good use. Because of the new law that grants students a 20% discount in all forms of transport, will operators put up a fight when a mom asserts her rights as a student?