Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Gulay na katuray, may isasarap pa?


GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES

Airing date: July 22, 2019

Lomi-Level Up!

Ngayong tag-ulan, swak sa sikmura ang masarap at pampainit na lomi. Bumisita si Bea Binene sa Batangas para tikman ang mga ultimate lomi--gaya ng isa na hindi lang street food ang toppings, kundi pati ang Chicken Cordon Bleu! Matutuwa naman ang Instagrammers sa photogenic lomi place na sunod niyang binisita. Gusto n'yo bang magluto ng healthy lomi? 'Yan ang recipe na ituturo ng aming chef.

 

 

Ang Taray ng Katuray!

Dahil hindi sikat ang katuray sa mga taga-Maynila, kukumbinsihin namin kayo kung bakit dapat ibida ang bulaklak na 'to sa inyong mga lutuin. Alamin kung paano gawin ang masusustansyang putahe gaya ng Katuray Thai Salad, at ang mga Ilocano dish gaya ng Katuray sa Dinengdeng at Katuray sa Dinakdakan. Ang mga pagkaing ito, aprub sa kalusugan ng pamilya at sa bulsa.

 

 

Plastic Spoon Projects

Walang plastikan; ang plastic spoons, maraming pakinabang! Imbis na idiretso ito sa basurahan, gamitin ito sa mga D-I-Y project na magpapaganda ng tahanan. Alamin kung paano gumawa ng candle holder, lampara, name plate, at hair clip mula sa materyales na 'to.

 

 

Taho Treats

Ang taho na pang-almusal, ginawang mas espesyal. Samahan si Maey B sa pagtikim ng kakaibang taho version gaya ng Taho Milk Tea at Taho Gelato. Pero ito ang dessert na siguradong iintriga sa inyo--ang Taho Pie. Alamin kung swak sa panlasa ni Maey B ang taho treats na bagong-bago sa paningin.

 

 

Wala sa Kutis

Si Aira ay may vitiligo, isang kondisyon kung saan nagkakaroon ng patse-patseng pamumuti ang balat. Dahil dito, nakararanas siya ng panlalait at paghuhusga. Pero ganito rin ba ang magiging reaksyon ng ating mga kapuso kapag isinalang natin si Aira sa isang eksperimento? Magkukunwaring tindera ng kakanin sa Aira sa kalsada. Alamin kung lalayuan siya ng mga tao o lalapitan siya ng mga ito para bumili.

 

 

English Synopsis

Learn how to whip up healthy and delicious recipes, such as the Katuray Thai Salad and Ilocano dishes, Katuray sa Dinengdeng and Katuray sa Dinakdakan. Find out how you can turn used plastic spoons into lovely candle holders, lamps, name plates, and hair clips. Maey B samples unique treats such as Taho Milk Tea, Taho Gelato, and Taho Pie. Bea Binene visits Batangas where she tries ultimate versions of Lomi. Aira suffers from Vitiligo, a skin condition. To find out if she'll garner the same reaction from strangers, we conducted a social experiment.