Parada ng mga lechon, tampok sa 'Good News!'
GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES
Airing date: July 1, 2019
Parada ng mga Lechon!
Bumisita si Bea Binene sa Batangas, kung saan siya nakipiyesta. Bukod sa masayang basaan ng tubig na sumisimbulo sa pagbinyag ni Saint John the Baptist kay Hesus, bida rin sa pista ang mga lechon. Sa parada ng pagkaing ito, nakabihis ang mga lechon sa iba't ibang paraan. May nakagayak na ikakasal, at meron ding estudyante!
_2019_07_01_18_32_02.jpg)
_2019_07_01_18_32_32.jpg)
_2019_07_01_18_33_04.jpg)
_2019_07_01_18_33_34.jpg)
_2019_07_01_18_34_21.jpg)
_2019_07_01_18_34_48.jpg)
_2019_07_01_18_35_28.jpg)
_2019_07_01_18_36_13.jpg)
Sinigang Gang!
Samahan si Jay Arcilla sa pagtikim ng leveled-up version ng paborito nating ulam, ang sinigang! Siguradong matatakam kayo sa sinigang na pinasarap ng Kurobuta pork--o 'yung galing sa Japanese black pig. Mahilig ka ba sa oriental cuisine? Lasapin ang sinigang na sinangkapan ng noodles. Hindi na bago ang pagpapaasim sa sinigang ng bayabas. Pero paano kung sinamahan ito ng pinya? 'Yan ang ating aalamin.
_2019_07_01_18_37_02.jpg)
_2019_07_01_18_37_23.jpg)
_2019_07_01_18_37_48.jpg)
Plastic Projects!
Dahil mahalaga ang pagre-recycle, pati ang takip ng mga plastik na bote, naisipan namin ng pakinabang! Alamin mula kay Love Añover at sa bisita niyang crafter kung paano gumawa ng hair accessory, ref magnet, pen holder, at kurtina mula sa plastic bottle caps.
_2019_07_01_18_38_17.jpg)
_2019_07_01_18_38_51.jpg)
Amazing Ampalaya!
Ang ampalaya, makalalaya na mula sa kaniyang mapait na reputasyon. Sa Good News Kusina, bida ang gulay na ito sa mga recipe na puno ng linamnam at nutrisyon. Para sa nakatatakam na ulam, subukan ang Ampalaya Sisig. Pwede namang dessert ang Ampalaya-Pineapple Salad na napakadali lang gawin. Gusto mo ba ng refreshing na panulak? Para sa 'yo ang Ampalaya Sweet Shake.

_2019_07_01_18_40_23.jpg)
_2019_07_01_18_40_40.jpg)
_2019_07_01_18_41_02.jpg)
Malasakit sa Estudyante!
Napakahalaga para sa isang estudyante ang matibay na bag para paglagyan ng mga gamit niya. Pero paano kung nasira ang bag na bitbit at walang perang makabili ng kapalit? Ito ang hugot ni Cari na isinalang namin sa isang eksperimento na isinagawa namin sa palengke. Sa biglaang pagkasira ng kaniyang bag, nahuhulog-hulog ang kaniyang mga gamit. Meron kayang tutulong sa kaniyang makabili ng bagong bag lalo na't kulang ang kaniyang pera?
_2019_07_01_18_41_24.jpg)
_2019_07_01_18_41_40.jpg)
English Synopsis
Jay Arcilla samples different versions of our favorite Pinoy food--sinigang! Join Love Añover and her guest crafter in making hair accessories, ref magnets, pen holders, and even a curtain from this seemingly insignificant object. We give ampalaya a starring role in the kitchen where we whip up amazing ampalaya recipes. Bea Binene visits Batangas to join a lively fiesta. What if a student’s bag breaks and she doesn't have enough money to buy a replacement? Will you help her?