Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Good News

Trip to Pampanga at sineguelas recipes, abangan sa Good News!


GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES
Airing date: May 27, 2019

Sineguelas-tik

Ang sineguelas, bibida sa mga recipe mula ulam hanggang panghimagas. Siguradong magigising ang panlasa n'yo sa umaga kapag ipinalaman ang Sineguelas Jam sa mainit na pan de sal. Pagdating naman ng pananghalian, hindi magpapahuli ang Sineguelas Pasta at ang Spicy Sineguelas Basil Bacon-Wrapped Chicken. Dessert ba kamo? Sineguelas No-Bake Cheesecake ang magpapasaya sa inyong sikmura.



CD Creativity!

Ang mga CD o compact discs na dati nating minahal, tuluyan na ba nating nilimot dahil sa live streaming? Ang sagot namin: hindi kailangang makipaghiwalay sa mga ito! Dahil ang mga lumang CD, pwede pang pakinabangan... kailangan lang paandarin ang creativity! Alamin kung paano gumawa ng earring stand, wall pouches, at candle holders mula sa mga lumang CD.



Tara sa Pampanga!

Samahan si Jay Arcilla sa pamamasyal sa Pampanga, ang kaniyang huling hirit sa tag-init. Bukod sa pagre-relax sa isang eco park na pinagbibidahan ng bamboo, sinubukan din niya ang isang spa na may kakaibang masahista--ang mga isda! Sa isa namang resort, nadiskubre niya ang extreme ride na ginagamit ng mga astronaut--ang gyropscope. Para sa food trip na literal na chill, binisita niya ang isang sub-zero cafe na may mga upuan at mesa na gawa sa yelo.



Resto-rrific!

Para sa mga social media photo na siguradong pupusuan, puntahan ang mga kainang may palabang ambiance. Inumpisahan ni Maey B ang food trip slash photo shoot sa kauna-unahang panda-themed cafe sa Pilipinas. Tropical vibe ba ang trip n'yo? Subukan ang cafe na pinagbibidahan ng boodle-fight syle ng Pinoy meryenda. May arcade theme ang huling pinuntahan ni Maey na puno ng fun games at breakfast food!



Tulong kay Lola!

Ang mga lolo at lola, wagas ang pagmamahal para sa mga apo. Ito ang hugot ng aming experiment, kung saan isang lola ang nagkulang ng bayad para sa school supplies para sa apo. Sa  pakikiusap niya sa kaherang tumatanggi sa kaniya, meron kayang tutulong sa matanda?



ENGLISH SYNOPSIS

The Sineguelas fruit stars in unique recipes for the whole family.  Learn how to make earring stands, and candle holders all from old CDs. To maximize the remaining days of summer, Jay Arcilla plans a quick getaway to Pampanga. Maey B goes on a food trip slash photo shoot in some of the IG worthy restaurants. Grandparents have a special place in their hearts for their grandchildren. This inspired our social experiment, wherein a grandmother pretends to be short of cash when paying for her grandkids' school supplies.

Tags: fruits, food, recipe, diy