Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Bakasyunan sa Bulacan at milktea-rrific twists, abangan sa Good News!


GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES
Airing date: May 20, 2019

Opo sa Upo!

Ang upo na siksik sa sustansiya, sa inyong kusina’y pwedeng bumida! Alamin ang mga kakaiba at masarap na recipes tulad ng Stuffed Upo, Upo Coconut Curry, at Upo Rice. Hindi kumpleto ang menu kung walang dessert gaya ng Upo Fudge. Ang mga ito, tipid sa bulsa at kikiliti sa inyong panlasa!

 


 


 


 


 


Milk Tea-rrific!

Kung mahilig din kayo sa milk tea, samahan si Maey Bautista sa pagtikim ng pina-level up versions ng inuming ito. Lasapin ang sarap ng pinagsamang milk tea at ice cream--ang Milk Tea Swirl! Pinoy twist naman ang ipinagmamalaki ng Shaved Milk Tea na first in the Philippines. Para sa healthy twist naman, tikman ang makulay na milk tea na sinangkapan ng kulay-violet na ternatea.

 


 


 


 

Binulaga ng Bulacan!

Samahan si Bea Binene sa pagtuklas ng tinaguriang Bulacan's Last Frontier--ang munisipalidad ng Don Remedios Trinidad. Dito niya natagpuan ang mala-Chocolate Hills na ganda ng Pilon Hills. Sa Talon Pari Falls naman, pwedeng magtampisaw ngayong tag-init. Para pasayahin ang kumakalam na sikmura, sinubukan ni Bea ang traditional Bulacan recipe na pinasarap ng dahon ng Alibangbang.

 


 


 


 

Damit ni Mommy, Pwede kay Baby!

Ang mga damit nating namantsahan, lumuwag, at nakaliitan, pwedeng i-make over para magkasya kay baby. Mula sa mga luma nating damit, pwedeng gumawa ng trendy kiddie styles tulad ng polo shirt dress, sleeveless top, at scrappy polo shirt. At ang good news, walang kailangang gastusin para sa mga ito!

 


 


 


Juan Tapat

Ang mga pulubi, namamalimos para makakain. Pero kahit kapos sa pera, tapat ang kunwaring pulubing isasalang namin sa social experiment. Ang siste, nakapulot siya ng wallet at lalapit siya sa mga estranghero para ipagtanong kung kanino ito. Sa kaniyang pagtatanong, sinu-sino kaya sa ating mga kapuso ang tutulong sa kaniya? Sinu-sino naman ang mag-aangkin ng pera? Alamin sa aming eksperimento!

 


 


 


English Synopsis:

Learn how to make filling and delicious upo meals. Join Maey B in sampling the leveled-up versions of milk teas.  Bea Binene explores Bulacan's Last Frontier--the municipality of Don Remedios Trinidad. With our crafts expert, learn how to make trendy kiddie clothes using your old clothes. We introduce a different kind of beggar in our social experiment. Instead of asking for alms, our beggar-accomplice will ask the people around him to help him find the owner of a lost wallet.