Sagad sa gandang Sagada attractions, papasyalan sa 'Good News'
GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES
Airing date: April 22, 2019
Sagad sa Ganda!
Sikat na puntahan ang Sagada ng mga sawi sa pag-ibig, pero para kay Jay Arcilla, dito siya na-in love at first sight--hindi sa tao ha, kundi sa mismong lugar. Samahan ang ating guwapong lakwatsero sa pagkamangha sa panalong sunrise at "sea of clouds" sa tuktok ng Marlboro Hills. Sa Blue Soil Hills naman, literal na bughaw ang lupa dahil sa copper sulphate nitong taglay. Nang magutom, tinikman ni Jay ang sikat na lemon pie na perfect i-partner sa Sagada coffee! Talaga namang pa-fall itong Sagada dahil may ipinagmamalaki raw itong Bokong Falls! Dito, nagtampisaw at nag-cliff diving si Jay Arcilla. Pagkatapos, tumungo siya sa isang kainan, kung saan inalam niya ang pagluluto ng Chicken Yoghurt Inatep. Ultimate pasalubong shopping naman ang hatid ng isang bilihan ng fruit jam. Ang mga produkto rito, kakaiba na, masarap pa. Sa ikatlong bahagi ng pamamasyal ni Jay Arcilla sa Sagada, binisita niya ang sikat na hanging coffins sa Lumiang Cave. Dito niya natutuhan ang kuwento sa likod ng rituwal na ito. Para lubos pang maintindihan ang kultura ng mga taga-Sagada, nilibot niya ang Ganduyan Museum. Dito niya nakita ang sinaunang kagamitan ng mga Ifugao. Pampasaya naman ng kaniyang sikmura ang Etag, ang tradisyonal na preserved pork.





Gulong, Galing!
Ang gulong na maaasahan natin sa pagbabiyahe kung saan-saan, madalas ding napaglulumaan. Kapag ganito ang nangyari, subukan na ang masaya naming D-I-Y projects! Mula sa lumang gulong, makagagawa ng stylish na upuan, side table, at higaan ng pinakamamahal n'yong alagang aso.




Pasukob po!
Ngayong matindi ang sikat ng araw, hindi dapat malimutan ang pagdadala ng payong. Pero paano kung sa kalagitnaan ng paglalakad ay biglang may nakisukob sa 'yo? Papayag ka ibang i-share ang iyong payong sa 'di mo kilala na masama ang pakiramdam? Ito ang susubukan natin sa isang social experiment.


English Synopsis
Sagada is a popular destination for the broken-hearted, but it's here where Jay Arcilla falls in love--not with a person but with the place itself. Join our enthusiastic traveler as he soaks in the spectacular Sagada. Tires take us to places, but what happens when they get worn down? We suggest you try our D-I-Y projects. What if, while walking, a stranger suddenly asks if she can share the shade of your umbrella? Will you be kind enough to grant her request? We answer this theoretical question through a social experiment.