Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Good News

Pagdiriwang ng Semana Santa sa Pampanga, alamin sa ‘Good News’


GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES
Airing date: April 15, 2019

Payapang Pampanga!

Kung naghahanap ng payapang larga ngayong Semana Santa, ang say ni Good News girl Bea Binene, bisitahin ang Pampanga! Sa isang university chapel niya nadiskubre ang koleksyon ng religious relics, kabilang ang piraso ng krus kung saan daw ipinako si Hesus. Tinikman din ni Bea ang mga putaheng inihahanda tuwing kuwaresma--kabilang ang inuming pinagbibidahan ng coconut milk! Nadiskubre niya rin ang sining ng pukpuk o ang paghuhulma at pagdidisenyo ng mga karosa. Binisita rin niya ang isang food historian na nagturo sa kaniya ng mga Kapampangan recipe, kabilang ang putahe na ipinangalan sa isang tula.



Langka-tulad!

Ngayong Semana Santa, marami sa atin ang umiiwas sa karne. Ang say ng Good News: bakit hindi subukan ang sikat na meat alternative--ang langka? Gamit ang prutas na 'to, gagawa tayo ng nakabubusog na recipe mula adobo hanggang sushi. Siguradong gaganahan ang buong pamilya sa mga putaheng masusustansya!



Lalagyang Panlarga!

Ngayong summer na at mapapadalas ang ating mga biyahe, hatid namin ang mga DIY travel organizer na magpapagaan ng inyong buhay at bagahe. Gamit ang mga patapong bagay gaya ng water bottle, lumang tuwalya, at umimpis na basketball, makagagawa na ng bag, toiletries organizer, jewelry case, at marami pang iba! Nakamura ka na, stylish ka pa!



Tulong sa Nauuhaw

Matinding isyu ngayon ang kakulangan ng tubig. Dahil napakahalaga nito sa ating buhay, ito ang inspirasyon ng aming social experiment. Sa terminal ng bus namin ipinuwesto ang aming kasabwat na lola--na magkukunwaring walang perang pambili ng tubig. Meron kayang magmamagandang loob para mapawi ang kaniyang uhaw?



English Synopsis

This holy week, most of us are avoiding meat. So why not try the meat alternative that's making waves--the jackfruit? If you're looking for a peaceful destination this Holy Week, Bea Binene suggests going to Pampanga.  To lighten your literal load, Good News teaches DIY travel organizers using old materials such as water bottles, hand towels, and deflated basketballs. We put our accomplice, a grandmother, in bus terminals. She makes acquaintances and sounds off that she's run out of money to buy water. Will anyone volunteer to quench her thirst?

Tags: holyweek