Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga bagong pakulo ngayong Valentine's Day, alamin sa 'Good News'


GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES
Airing date: February 11, 2019

Edible Bouquets!

Ang mga bulaklak, nalalanta. Pero ang mga Valentine bouquet na nadiskubre namin, nakabubusog! Heto raw ang patok na panregalo ngayong Araw ng mga Puso--food bouquets na sinangkapan ng sari-saring chibog gaya ng crispy bacon, creamy cupcakes, at Korean fried chicken.



Third wheel? No problem!

Para sa kakaibang Valentine's date, sinamahan ni date attendant Bea Binene ang nakilala niyang magkasintahan sa Laiya, Batangas. Dito, kinilig ang magsing-irog habang nakasakay sa giant swing at sa giant slide. Isa namang relaxing adventure ang naghihintay sa kanila sa Tanay, Rizal. Dito, nagbabad sila sa higanteng kawang may mainit na tubig na pinabango ng mga bulaklak. Para sa romantic dinner, bumisita sila sa isang cafe sa Mandaluyong kung saan nila naranasan ang literal na royal treatment!



V-DAY DIY!

Sawa na ba kayo sa mga karaniwang Valentine gift tulad ng stuffed toys at rosas? Pwes, ituturo nina Love Añover at isang crafts expert ang DIY gift ideas. Kabilang dito ang "explosive box" na naglalaman ng mga sweet moments n'yong magkasintahan; halaman na pwedeng i-personalize, multi-purpose scarf, at personalized cap. Ang mga ito, pinaghihirapan pero hindi kailangangang pagkagastusan!



May asim pa!

Ngayong Valentine's, ipakita ang itinatago n'yong asim sa mga recipe na sinangkapan ng sampalok. Samahan si Maey B. at ang kaniyang ka-date na chef sa pagluluto at pagtikim ng Adobo sa Sampalok, Spicy Tamarind Meatballs, Tamarind Tofu with Vegetable Soba, at Sampalok Chocolate Cookie Dough. Siguradong kikiligin kayo sa tamis-asim sarap ng mga pagkaing ito!



It's a Match!

Ang pag-ibig, walang kinikilalang anyo at pagkakaiba-iba. Pero bukas ba ang isipan nating mga Pinoy sa pag-ibig na medyo kakaiba sa paningin ng ilan? Para alamin ang sagot, nagsagawa kami ng eksperimento kasama ang mga nagkukunwaring magkasintahan na malaki ang agwat sa edad, magkaiba ang lahi, at mas matangkad ang babae kaysa sa lalaki. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga makakakita sa kanila?



English Synopsis

Make Valentine's Day more delicious with recipes flavored with tamarind. Tired of the usual Valentine gifts? Let Love Añover and a crafts expert teach you how to make your own Valentine's Day surprises. Flowers wilt and die, but the bouquets we've discovered can satisfy your palate. For a memorable Valentine's Date, Bea Binene takes a couple for a once in a lifetime Valentine’s experience. Love comes in different shapes and sizes. But are Filipinos open to relationships that defy stereotypes? Find out in our social experiment.