Mga ipinagmamalaking pasyalan at pagkain ng Quezon, tampok sa 'Good News'
GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES
Airing date: January 14, 2019
Quezon Saya
Sa probinsya ng Quezon, naglamiyerda ang ating Reynang Chibugera! Tinikman ni Maey B ang mga sikat na kakanin dito gaya ng minukmok at puto bao. Para sa ultimate kabusugan, sinubukan din niya ang hardinera, ang meat loaf version ng mga taga-Quezon na siksik-sarap sa mga sangkap. Hindi rin niya pinalampas ang pagtikim ng local delicacies with a modern twist. Sa isang coffee shop, sinubukan niya ang Pansit Lucban na kinakain na parang lumpia. Sa isa namang kainan, ang paboritong Crispy Kinulob ng mga taga-Quezon, sinangkapan ng healthy turmeric. Alin kaya rito ang winner sa panlasa ng ating Miss Chibugera?
Mabuting Kabute
Dahil pasok sa 2019 food trends ang mushrooms, ito ang bida sa Good News Kusina. Mayaman sa antioxidants, Vitamin C at fiber, siguradong matatakam ang pamilya sa masasarap na bihis nito tulad ng Cheesy Beef-Stuffed Mushrooms, Mushroom Nugget, at Mushroom Cabbage Rolls. Pati dessert, gagawing memorable ng ating star sangkap sa pamamagitan ng Mushroom Meringue!
Bawal ang Plastic
Hindi na maitatangging lumalala ang plastic pollution sa bansa. Kaya naman ang ilang mga kainan, itinaguyod ang no-plastic straw policy. Pero paano kung may natira pa kayong mga plastic straw sa bahay? Ang payo ni Love Añover, gamitin ang mga ito--pero sa mga eco-friendly na paraan!
Buntis sa Sakayan
Hindi biro ang sumakay sa pampublikong transportasyon sa Maynila, lalo na para sa mga may kapansanan, buntis, matatanda at bata. Para alamin kung may puso para sa kapwa ang ating mga kapuso, ipinuwesto namin ang Good News Camera sa mga pampublikong sasakyan. Sa mga lugar na ito namin pina-acting ang mga kasabwat namin bilang buntis na walang maupuan. Meron kayang magmamagandang-loob sa kanila?
English Synopsis
Let Maey B. tour you to Quezon, where she sinks her teeth into local delicacies and other Quezon foods with a twist. Because the food trends for 2019 include mushrooms, this is what we'll cook in the Good News Kitchen. Love Añover will teach us how to save the environment by upcycling plastic straws. And for the Good News social experiment, will someone give his/her seat for a pregnant passenger?