Mga kakaibang putahe ng Rizal at siling berde recipes, alamin sa 'Good News'
GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES
Airing date: October 1, 2018
Pasyal sa Rizal!
Isang tumbling lang mula Maynila, sa probinsya ng Rizal, maraming makikita! Samahan si Maey Bautista na magtampisaw sa talon na matatagpuan sa loob ng subdivision sa Baras. Pagkatapos mapagod, tumungo naman siya sa bayan ng Angono, para mabusog sa sining at kakaibang pizza! Sa pagpapatuloy ng kanyang adventure, magpapakabusog naman siya sa Antipolo. Dito, tinikman niya ang affordable steak na halos kasinglaki ng plato at pinasarap ng wasabi paste. Para sa panghimagas, pumunta naman siya sa restaurant na isa ring pottery studio. Pero ang bentahe rito, ang black suman na aprub daw sa kalusugan!
Kalat-Free!
Hirap na hirap ba kayong ayusin ang magulo n'yong bahay? Ang sagot namin diyan--isang shoe organizer na madali lang gawin! Pati ang pakalat-kalat na basurahan, aming sosolusyunan. Kung magulong cabinet naman ang inyong hinaing, may ituturo kaming bagong paraan ng pagtutupi para maiayos ang mga damit!
Pasa-Hero!
Gaano ba kahalaga ang pagmamalasakit sa iba? Para sa kasabwat naming taxi driver na magkukunwaring sinibak ng operator, malaking bagay na ang may makinig sa kaniyang problema. Alamin kung sinu-sino sa kaniyang mga pasahero ang handang damayan ang isang hindi nila kilala.
Sili Love!
Kung suwabeng anghang ang inyong hinahanap-hanap, hayaan n'yong palinamnamin ng siling haba ang inyong handaan. Subukang appetizer o ulam itong Stuffed Siling Berde. Kakaibang twist naman ng Bicol Express ang pasta version nito. For dessert, ang kamote, lalo nating patatamisin na may sipa ng anghang, perfect for the sweet and adventurous tooth!
English Synopsis
A short distance from Manila, you can already enjoy the scenic countryside in the province of Rizal. Join Maey Bautista as she discovers Rizal’s view and food. Are you having a difficult time organizing your home? We offer you solutions and hacks to be clutter free. In the Good News kitchen, we will explore green pepper as our main ingredient. For our “pasa-hero” social experiment, a driver calls for help. Will a “pasa-hero” come to the rescue?