Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Ang mga paboritong pagkain ng ating mga bayani, titikman natin sa 'Good News!'


 


Alam nating matatapang ang ating mga bayani, pero alam din namin kung ano ang pwedeng magpasuko sa kanila! Ang paboritong mga ulam nina Andres Bonifacio, Gregorio Del Pilar at Tandang Sora na talagang kakaiba at katakam-takam ang aming susugurin at titikman.

Para ipagdiwang ang freedom, ipapasyal namin kayo sa mga lugar kung saan free mag-enjoy habang natututo tungkol sa ating kasaysayan! Sa mga modernong museo na ito, magta-time travel tayo sa panahon ng KKK, makikilala natin nang lubusan si Apolinario Mabini, at tatambay sa isang bahay na puno ng historical collectibles. Kabilang dito ang piraso ng sedula ng pinunit ng mga taga-KKK sa Balintawak!



Pag sinabing Pinoy food, laging nababanggit ang balut at adobo pero may mga pagkaing mas Pinoy pa sa mga iyon! Mga pagkaing nilikha ng ating mga ninuno gamit lamang ang kanilang malikhaing imahinasyon at ang mga sangkap na matatagpuan sa kanilang paligid. Mga pagkaing walang impluwensya ng mga mananakop at maituturing nating 100% Pinoy! Kabilang sa mga katutubong recipes na ito ang Sinampalukang Palaka, Inalibangbang na Manok at ang Bringhe na gawa sa malagkit na bigas. Alamin kung paano niluluto ang mga ito at tuklasin ang purong pagkaing Pinoy.



Daan-daang taon pagkatapos unang makamit ng ating bayan ang kalayaan, meron pa kayang nabubuhay na mga bayani? Upang masubukan ang katapatan at kabayanihan ng ating mga kapuso, nagsagawa kami ng mga social experiment. Sa isang honesty store, walang nagbabantay na tindera. Bahala ang customer na magbayad at magsukli sa sarili mula sa kaha. Sa isa namang taxi, kinontsaba namin ang driver na mag-iwan ng wallet na may pera sa upuan. May mababalik kaya nito sa kaniya?

Abangan ang magagandang balita na ito ngayong Lunes sa GOOD NEWS KASAMA SI VICKY MORALES, 8pm sa GMA News TV.