Mountaineer na de saklay, tampok sa 'Good News'
Mountaineer de Saklay!
Hindi hadlang sa pag-abot ng pangarap ang pagkakaroon ng iisang paa lamang. Para sa amputee na nakilala namin, walang imposibleng gawin, maski ang pag-akyat sa tuktok ng mga bundok. Kasama ang kaniyang mga kapwa mountaineer, susundan natin ang adventure na tatahakin ni Ameer. Atin ding aalamin ang sikreto sa kaniyang kasiyahan
_2016_09_12_16_58_10.jpg)
Sarap and Roll!
Ang mga paborito nating roll tulad ng ham and cheese, turon at lumpiang shanghai, meron nang mga bagong kamag-anak na kikiliti sa inyong panlasa. Introducing ang new generation of rolls na siguradong papatok sa mga chikiting! Alamin kung paano gawin ang breakfast rolls tulad ng French Toast Hotdog Rolls, Longganisa Pancake Rolls, at ang mga pang-meryenda na Chicken Lettuce Wraps at Cheeseburger Rolls!
_2016_09_12_16_59_02.jpg)
D-I-Y Pokemon!
Gusto n'yo bang mag-umpisa ng sarili n'yong Pokemon collection, pero kulang ang inyong allowance? Tuturuan namin kayong gumawa ng Pokemon items gamit ang mumurahing materyales! Sa tulong ng isang artist, aalamin natin kung paano gumawa ng Pokemon-inspired pencil case, earrings, pillow at lamps!

Koreanong Kapuso!
Kilalanin ang isang organisasyong mula sa Korea na may puso para sa mga Pilipino. Makisalo sa isinasagawa nilang soup kitchen na nagbubusog sa maraming mahihirap sa Navotas. Kaya ang mga taga-roon, malaki ang pasasalamat sa mga foreigner, dahil hindi lang sila napapakain, naaabutan din sila ng tulong sa iba't ibang paraan.
Ang Powers ni Haring Araw!
Madalas tayong magreklamo sa tindi ng sikat ng araw, pero sa totoo lang, marami pala itong benepisyo. Bibisita tayo sa isang bayan sa Batangas kung saan ang kuryente, nanggagaling sa init ng araw. Sa ganitong paraan, mas napapababa ang monthly electric bill at napapangalagaan pa ang kalikasan. Pupuntahan din natin ang isang tindahan na puno ng mga kagamitan na pinapagana ng solar energy.
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us