Mga paandar na resto, pagkaing pang-Pasko at negosyong pantulog, bibida sa 'Pera Paraan' ngayong Sabado!
Pera Paraan
Paandar Restos, Pagkaing Pang-Pasko na Negosyo at Kabog na Pantulog!
Date of Airing: September 24, 2022
Hindi na kailangang lumayo pa para makaranas ng masayang biyahe, masarap na pagkain at panalong negosyo! Narito ang lahat nang iyan sa Pera Paraan!
Walang mamahaling ticket na bibilhin para makasakay sa economy man o first class dahil eroplano ang disenyo ng kainan ni Jonathan. Mula sa mga naka-uniform na flight attendant, mala-airline cabin na set-up hanggang sa lagayan ng pagkain, parang nasa eroplano na rin ang experience. Pero paano kaya nalagpasan ni Jonathan ang mga lockdown noong hindi puwedeng kumain indoor ang mga customer?
Si Isabel naman marami-rami ang naranasan para lang matupad ang pangarap niyang negosyo. Nabuo niya ang ideya na terno sleepwear nang dahil sa pandemiya. Mula sa 15,000 pesos na puhunan, kumikita na siya ng halos 200,000 pesos bawat buwan. Pero alam niyo bang bago ang kanyang tagumay, dalawang beses muna siyang nalugi? Alamin ang bawal sumuko na kwento ni Isabel!
Para naman sa ating negosyong pang-Pasko, bida ang mga negosyo kung saan ang mga pagkaing pang-Pasko, buong taon na pala natin matitikman. Kagaya lang ng queso de bola spread na hatid ng business at life partners na sina Laura at Julian. Isa itong family recipe na hindi inakala ni Julian na papatok sa mga queso de bola lovers.
Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!