Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga paandar na pambalot, sikat na banana rhuma at siomai na 'di nakakaumay, bibida sa 'Pera Paraan' ngayong Sabado!


Pera Paraan
Paandar na Pambalot, Turong Rumarampa at Siomai na Di Nakakaumay!
Date of Airing: September 17, 2022

Ipakikilala sa atin ni Momshie Susan ang mga negosyong magpapasaya sa ating mga panlasa at puso!

Nakatikim na ba kayo ng siomai na takoyaki? O siomai na may palamang keso? Paandar, hindi ba? Iyan ang naging pandemic baby ni Catherine. Una siyang nabenta ng siomai nung lockdown. Pero nang nabawasan na ang mga restriction, humina ang kita nila. Kaya inimbento niya ang flavored siomai! Nang dahil sa flavored siomai, kumikita siya ng halos 70,000 pesos bawat buwan.

 

 

Ang karaniwang turon na merienda ng mga Pinoy, binigyan naman ni Mang Tootz ng kakaibang twist. Dati siyang OFW at naisipang magtayo ng sarili niyang karinderya sa Maynila. Nais niyang maghain ng mura at madaling kainin na merienda. Kaya ang turon naging banana rhuma! Alamin ang kwento ni Mang Tootz na may negosyong mahigit isang dekada na!

 

 

Ibabahagi rin ni Momshie Susan ang espesyal niyang handog na “Kitang-Kita ang Kita Ngayong Pasko”! Sa mga darating na Sabado bago mag-Pasko, may makakasama siyang mga negosyante na pasok na pasok sa Pasko ang business. Ano kayang negosyo ang una nating makikilala?



Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!