Makulay na Pastillas, Food in a Bucket at Biko Balls, tampok sa 'Pera Paraan' ngayong Sabado!
Pera Paraan
Makulay na Pastillas, Food in a Bucket at Biko Balls
Date of Airing: June 4, 2022
Mga nakabubusog sa mata, tiyan at bulsa na mga negosyo ang tampok sa Pera Paraan!
Ang simpleng pastillas binigyan ng bagong mukha ng malikhaing negosyante na si Cindy. Sinong mag-aakala na ang pastillas puwedeng magmukhang bulaklak, hayop at Pinoy street food? Nang dahil sa kanyang negosyo, mayroon na silang sariling pagawaan, bakery, bahay, sasakyan at truck. Alamin kung paano ginagawa ni Cindy ang makukulay niyang pastillas!
Kakaiba naman ang lalagyan ng produkto ng mag-asawang Charlene at Jesus. Ang kanilang ibinebentang chicken biryani, nakahain sa bucket! Madaling bitbitin sa biyahe man o picnic at puwede ring i-recycle. Limang beses sila nabigo sa negosyo. Pero sa food in a bucket business nila, nabawi na nila ang kanilang 5,000 pesos na puhunan sa loob lamang ng dalawang linggo.
Kakanin naman ang specialty ni Mama Nhors. Sa katunayan, biko ang bida sa kanyang negosyo. Nung April 2020, naisipan ng mga anak niya na gawin niyang business ang paggawa ng biko. Ang twist? Hugis bola ang mga biko na may palaman! Iba’t ibang flavor pa ang kanyang biko balls. Nagsimula sa 1,000 pesos na puhunan ang biko balls ni Mama Nhors. Ngayon, kumikita siya ng halos 30,000 pesos kada araw!
Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!