Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga negosyanteng Gen-Z, mga mala-higanteng pagkain at Korean goodies, tampok sa 'Pera Paraan' ngayong Sabado!


Pera Paraan
Gen-Z Negosyante, Mala-Higanteng Pagkain At Korean Goodies!
Date of Airing: April 2, 2022

Mamangha at matuwa sa malulupit na mga negosyong ito!

 

 

Pagdating sa usapang shawarma, alam na alam iyan ng pamilyang Santos. Isang pamilya ng mga OFW na nagtrabaho sa Saudi Arabia. Noong 2012, naisipan nilang magtayo ng shawarma business dito dahil hinahanap-hanap nila yung lasa ng shawarma sa Saudi. Pagkatapos ng ilang taon, mayroon naman silang paandar na shawarma na footlong! Malakihan din ang balik dahil halos 25,000 pesos bawat araw ang kinikita nila.

 

 

Libo-libo naman ang kinikita na ngayon ng business na nagsimula muna sa bahay at online selling. Ang magkapatid na Joshua at Abigail ang nakaisip ng Korean corn dog on-the-go. Nagsimula sa 6,000 pesos na puhunan pero nabawi nila ito sa loob lang ng isang buwan!

 

 

At, kilalanin ang mga Gen-Z na palaban sa kani-kanilang negosyo. Ang 21 years old na si Gail ang pasimuno ng tinatawag na milky bomb. Ito’y mochi na may pasabog na gatas sa loob. Una niya itong binebenta sa mga kaklase pero ngayon mayroon na siyang 30 resellers at 8 distributors!

 

 

Samantala, ang 24 years old na si Jay ng Bicol ang may-ari ng Dreamer’s Kitchen. Twenty years old lang siya nang itinayo niya ito. Ang winner mula sa kanyang kainan? Ang Pansit Vahkla! Ano kaya ang mayroon sa kakaibang pansit na ito?

Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!