Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kakanin, sisig combinations at Cebu eats sa Metro Manila, bibida sa 'Pera Paraan' ngayong Sabado!


Pera Paraan
Kakaning Fighting, Sisig Combinations at Cebu Eats sa Metro Manila
Date of Airing: March 19, 2022


Siguradong matatakam kayong muli sa masasarap na pagkain na handog ng ating mga madiskarteng negosyante!

 

 

Kahanga-hanga ang puto calasiao business ng pamilya ni Dorry sa Pangasinan. Nagsimula ito noong 1940s pero kalaunan, ginawan na nila ng iba’t ibang flavor. Pero nang dalhin nila sa Maynila, hindi raw agad naging mabenta ang mga makukulay na puto. Bakit kaya? Ano’ng diskarte ang ginawa niya para mas tangkilikin ang kanilang puto na ngayon ay kumikita na ng halos 100,000 pesos bawat linggo?




One hundred thousand pesos din ang kinikita ng Pungko-Pungko Avenue sa Malate, Manila. Ano nga ba ang pungko-pungko? Ito ang tawag sa istilo ng pagkain sa mga daan sa Cebu. Nagustuhan ng mag-asawang Apple at John ang pungko-pungko sa Cebu kaya naisipan nilang dalhin sa Maynila. Iba’t ibang street food ang nakahain katulad ng lumpia, siomai, crispy liempo at chicharong bulaklak. Mayroon ding puso o hanging rice dito.
 

 



May bago rin tayong nadiskubre sa paborito ng karamihan na sisig! Maniniwala ba kayo na may tinatawag na lomi sisig? O pancit sisig? Ito ang hinahain ng dating welder at mechanical foreman sa Kuwait na si Christopher. Sa puhunang isang libo na kanyang inutang lang, mayroon na siya ngayong kita na 40,000 pesos bawat buwan.

Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!