Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sosyal na kutkutin, makulay na puto bao at mga kumikitang merienda, bibida sa 'Pera Paraan' ngayong Sabado!


Pera Paraan
Sosyal Feels na Kutkutin, Makulay na Puto Bao at Kumikitang Merienda!
Date of Airing: March 12, 2022

Huwag maliitin ang mga pantawid gutom dahil puwede pala silang maghatid ng matagumpay na negosyo!

 

 

Halos 30,000 pesos ang kita bawat linggo ng pamilya ni Ara sa pagbebenta ng mga kutkutin gaya ng mani, beans, banana chips, green peas, chocolate at gummy bears. Nagsimula lang ang negosyo sa kwentuhan ng kanyang nanay at tita na noo’y kumakain ng kutkutin. Pero ngayon, binigyan na nila ang mga ito ng bagong bihis sa pamamagitan ng gummy cups, party sweet cone packs at gummy bouquets!

 

 

Ibang bihis din ang ginawa ng Batangenyong si Andy sa kakaning puto bao. Kulay ube ang karaniwang itsura ng puto bao pero ang bersiyon ni Andiy, makulay at may iba’t ibang flavor pa! Nagsimula lang siya sa puhunang 500 pesos pero noong nakaraang Pasko at Bagong Taon kumikita sila ng halos 100,000 pesos.

 

 

Hindi lang puto bao ang puwede palang bigyan ng iba’t ibang flavor. Ang kadalasang merienda na turon na mabibili sa tabi-tabi o inihahanda sa mga bahay-bahay natin ang bida sa negosyo ng dating OFW sina Joen at Jas. Coffee-ron, chili-ron, macapu-ron ang ilan lang sa mga flavor ng House of Turon. Kumikita sila ng halos 40,000 pesos kada buwan. Ano pa kaya ang sikreto ng turon nila?

Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!