Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Tofu-mazing Business, Raketero na Negosyante at Ja-Fun Treats, bibida sa 'Pera Paraan' ngayong Sabado!


Pera Paraan
Tofu-mazing Business, Raketero na Negosyante at Ja-Fun Treats!
Date of Airing: March 5, 2022

Kilalanin ang mga makabagong negosyante sa Pera Paraan!


Tokwa ang bida sa mga negosyo ni Agnes Kim na talaga namang isang madiskarteng nanay! Ibabahagi niya ang mga tofu dishes niya sa kanilang Korean restaurant. Nariyan ang kimchi soup at adobong kangkong na may fried tofu. At, akalain niyong mayroon din siyang tofu donut?


Matutuwa naman kayo sa inaalok na mochi ni RC na taga-Laguna. Sa halagang 50 pesos, mayroon na kayong mochi with yema filling. May bonus pa na cute design! Maaaliw din kayo sa Japanese cakes na may naghihintay na sorpresa sa loob!

 


Kahanga-hanga naman ang mga raketerong negosyanteng gaya nila Marlon at Ronell. Dating factory worker si Ronell pero ngayon dahil sa pagpupursige, mayroon na siyang sariling kainan kung saan hinahain nila ang unli-chicken wings.



Samantala, mayroon namang café sa Rizal si Marlon. Pero, tuloy-tuloy pa rin siya sa pagkayod bilang guro, event host at vlogger. Kayod pa more!

Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!