Mga pangmalakasang negosyo ngayong Pasko, bibida sa 'Pera Paraan' ngayong Sabado
PERA PARAAN
December 18, 2021
Heto ang mga negosyo na pang malakasan na salo-salo ngayong Pasko!
Unang-una sa lahat, bilao meals! Matatagpuan sa Cabanatuan City ang business na binibida ang kanilang 18 inches na bilao. Mabusog sa iba’t ibang pika-pika at pancit!
Pero kung gusto niyong maiba naman ang handa, puwedeng masubukan ang mga bilao na inaalok ng Gryn Wasabi Sushi Bar. Japanese ang tema ng kanilang mga produkto. At akalain niyong sa sobrang patok nito, mayroon na silang 21 store branches!
Pero hindi kumpleto ang Noche Buena kapag walang hamon! Kilalanin si Muriell kung saan ang ham business nila ang nakapagpaaral sa kolehiyo ng apat niyang anak. Five thousand pesos lang ang puhunan na kinailangan niya pero walang kapantay ang naibalik nito sa pamilya nila.
Last but not the least, kapag gusto natin ng kaunting karangyaan para sa ating mga pamilya, bakit hindi mag-lechon para sa Pasko? Pero sa laki ng isang order ng lechon, baka hindi ito kayaning maubos! Buti na lang mayroon na ang mas maliit pa sa lechon de leche na cochinillo. Ibabahagi ng mga negosyante kung paano nga ba nila ginagawa ang katakam-takam na cochinillo!
Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan sa bago nating time slot tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!