Panalong siomai business, 2-in-1 kainan at mga budget-friendly pasyalan, bibida sa 'Pera Paraan'
PERA PARAAN
November 27, 2021
Sa panahon ng gipitan, diskarte lang yarn!
Kahanga-hanga ang kuwento ng life partners na sina Kremie at Jessie. Gamit-gamit ang nakuhang ayuda bilang puhunan, ang kanilang siomai business nagbunga ng dalawang kainan, sariling bahay at trabaho para sa 40 na tauhan! Maliban sa patok na siomai nila, mayroon din silang inaalok na tinatawag na xiao long bao na dimsum na may sabaw sa loob!
Kung may sabaw na dimsum ang handog nila Kremie at Jessie, maiba naman ang produkto ng magkakaibigang Elvin, Joana at Leo. Nakakain na ba kayo ng pizza burger? Iyan ang box office hit na handog ng magkakaibigan. Hindi lang pizza at burger ang puwedeng maging 2 in 1 ang negosyo.
Matatagpuan sa Bustos, Bulacan ang isang food park na puwede ring manood ng pelikula!
At nang dahil lumuwag-luwag na ang travel restrictions, mayroong puntahan sa Tagaytay na sulit para sa mga pamilya! Dadayuhin iyan ni Maey B.! Fifty pesos lang ang entrance fee kaya pasok na pasok sa budget.
Kasama riyan ang pagtikim ni Maey B. sa ginataang bulalo at inubihang bulalo!
Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan sa bago nating time slot tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!