Jose Mari Chan, magbabahagi ng Christmas memories sa 'Home Work!'
HOME WORK
EP 10
AIRING: SEPT. 24, 2020
#SoloFlight ba, mga Ka-tambahay? Walang problema iyan! Sagot nina Tonipet Gaba at Rovilson Fernandez ang Home Work tuwing Huwebes!
Pasko na! Ngayong pagpasok ng Ber Months, marami ang takam na takam na sa puto bumbong at bibingka. Hindi man makalabas para bumili nito ngayong quarantine, mayroon namang mga kakaibang twist sa paborito nating Pamaskong kakanin na puwedeng puwedeng gawin sa bahay.
Bibingka na donut o donut na bibingka? Bibingka pandesal inspired by the famous ube cheese pandesal? Fried puto bumbong at bibingka pancake? Sinamahan pa ng bibingka shake? Alamin kung paano ito gawin!
At dahil Ber months na, “Jose Mari Chan is waving!” Bakit nga ba ang singer at songwriter na si Jose Mari Chan ang laman ng mga meme pagpasok ng Setyembre? Alamin kung ano ang reaksyon niya sa mga meme sa social media, at ang kanyang pagtingin kung paano ipagdiriwang ng pamilyang Pilipino ang Pasko sa panahon ng pandemiya.
Tuloy nga ba ang Pasko sa kabila ng krisis at pandemic? Alamin ang paghahanda ng mga Pinoy para sa Pasko at kung paano ito ipagdiriwang kahit na #StayAtHome ngayong quarantine.
Sa panahon ngayon, challenging talaga to stay at HOME but we can always make it WORK! Abangan ang New Normal: Home Work ngayong Huwebes, Sept. 10, 9:15 ng gabi sa GMA News TV.