Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'One of the Baes' finale, may malaking pasabog!


 

ANG PASABOG NA FINALE!

(WEEK 18)

AIRING DATE:  JANUARY 27-31, 2020

 

 

 

Sa huling linggo ng paglalayag ng One of the Baes, magiging ganap nang kapitan ng barko si Jowalyn (Rita Daniela), habang namamayagpag na bilang CEO ng kanilang kumpanya si Grant (Ken Chan). Happy ending na ba?

Mukhang hindi papayag si Alona (Melanie Marquez) na maging talunan. Buong akala ng lahat ay namatay na siya matapos ang engkwentro sa mga pulis—pero babalik siya para maghiganti. Uutusan niya si Charles (Edgar Allan Guzman) na patayin ang kapatid nitong si Grant. Pero hindi ito kakayanin ng konsensya ni Charles, kaya siya ang pupuntiryahin ni Alona at babarilin. Makaligtas kaya siya?

 

 

May isa pang magbabalik—si Carmina (Maureen Larrazabal), na naka-move on na raw mula sa pambabasted ni Paps (Roderick Paulate). Magigising sa katotohanan si Paps na mahal niya si Carmina kaya isang paandar na wedding proposal ang ikakasa niya.

Sa kanilang kasal, parang multong lilitaw si Alona at magbabantang may nakaplantang bomba sa bawat sulok ng venue. Kaninong buhay ang sisingilin ng trahedya?

Si Grant, may pa-wedding proposal din kay Jowalyn sakay ng isang bangka. Mananaig na nga ba ang pag-ibig sa pangarap? O mas masaya itong pagsamahin as they sail to forever?

 

 

Abangan ang lahat ng iyan sa makapigil-hiningang huling linggo ng One of the Baes sa GMA Telebabad!