Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Tao at buwaya, posible bang mamuhay sa iisang teritoryo?


PANGIL

The Atom Araullo Specials

 

 

Paano nga ba mamuhay na araw araw kang sinasakmal ng takot?

 

 

Hindi ngayon matahimik ang mga taga-Balabac, Palawan. Sunod-sunod na naman kasi ang mga kaso nang pag-atake ng buwaya.  Nito lang Agosto, habang sakay ng bangka ang sampung taong gulang na si Milhasan, bigla na lang siyang sinagpang ng buwaya.  Sa unang linggo naman ng Setyembre, sunod na nilapa si Romelo na nanghuhuli lang ng pugita.  Putol-putol nang natagpuan ang kanilang mga bangkay.

 

 

Nakausap ni Atom Araullo ang pamilya ng mga biktima. Ang sigaw nila --- pagbayarin ang mga buwaya! Ngunit legal bang patayin ang mga buwaya para makapaghiganti? At bakit walang tigil ang pagwawala ng mga buwaya sa Balabac?

 

 

At sa paglilibot-libot ni Atom sa Balabac, ilang dipa lang sa kanyang kinatatayuan, isang buwaya na tinatayang labing-apat na talampakan ang haba ang biglang… lumundag!  Ano ang sunod na nangyari sa engkuwentro ni Atom sa halimaw ng Balabac?

 

 

Samantala sa Lanao del Sur sa Mindanao, napag-alaman naming may ilang mga buwaya na ginagawang pet o alaga.

 

 

Kinukulong ito.

 

 

Meron pa ngang ang nagsilbing tahanan… mistula ng basurahan!  Pinahihintulutan ba ng batas na gawin silang pet?

 

 

Balikan din ang kuwento ng buwayang umabot ng isang libong kilo, ang minsang itinuring bilang largest crocodile in captivity --- si Lolong! Ang kanyang mga labi, naka-taxidermy na ngayon sa National Museum of Natural History.

 

 

Pero hindi lahat takot sa buwaya. May ilang biyaya ang tingin dito. Ang kanilang balat, karne at taba, ninenegosyo.

 

 

Sa kabila nito, may mga institusyon sa Pilipinas na sinisigurong dadami pa ang mga buwaya, bini-breeed ang kanilang lahi. Dahil kinikilala nila ang kahalagahan ng mga ito sa ating kalikasan.

 

 

Ngayong Linggo, susuriin ni Atom Araullo kung kaya nga bang magsalo ng buwaya at tao sa iisang teritoryo. Epektibo rin bang pinatutupad ang pangil ng batas para protektahan hindi lang ang buhay ng mga tao pero pati na rin ng mga buwaya?

 

 

PANGIL The Atom Araullo Specials ngayong Linggo na September 29 3:30pm sa GMA 7.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Imagine a life devoured by fear.

In Balabac, Palawan, spates of recent crocodile attacks have caused panic among locals. This August, a crocodile snatched a 10-year old boy from a boat.  Two weeks later, a fisherman suffered the same fate as he was attacked while hunting for octopus. Both of their lifeless, mangled bodies were eventually recovered. Atom Araullo meets the families they’ve left behind and discovers that most of the locals here share the same hunger for revenge. But is it legal to hunt and take down these saltwater beasts? And why are they becoming more aggressive against humans? Watch out as Atom’s journey around Balabac leads him to a close encounter with a treacherous 14-foot crocodile!

Meanwhile, despite of their predatory threat, these giant reptiles are kept as pets in Lanao del Sur in Mindanao. They are either caged or contained inside filthy enclosures.  Atom investigates the legalities of this practice.

We will also visit the National Museum of Natural History for the taxidermied remains of the previously declared “largest crocodile in captivity” – Lolong.

Get to know the people who turned threat into profit by making a business out of crocodile skin and meat. And know more about the institutions that are dedicated to the propagation of these reptile species.

Join Atom this Sunday as we investigate what happens when crocodiles and humans share the same space and territory. Do laws protecting human and animal rights really have teeth in this country?

PANGIL The Atom Araullo Specials this Sunday, September 29 at 3:30 pm on GMA 7.