'The Patient Is Out' ng The Atom Araullo Specials, ngayong Linggo na!
The Patient is Out
AIRING: JULY 28, 2019
Hanggang saan ang kaya mong gawin para madugtungan ang buhay ng isang mahal sa buhay… lalo pa’t salat sa pera o lubhang malayo ang ospital sa inyong lugar?
Sa panibagong dokumentaryo ng The Atom Araullo Specials, tututukan ang sektor ng kalusugan sa pamamagitan ng iba’t ibang mukha ng pasyente mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Sa pinakamahirap na bayan sa Northern Samar na Silvino Lubos, susundan ni Atom ang biyahe ng isang dose anyos na batang ‘di nakalalakad at nakapagsasalita. Isang dekadang hindi napatingnan sa ekspertong-medikal ang bata dahil sa kakulangan ng doktor at maayos na pasilidad sa lugar. Puwede sanang dalhin sa Rural Health Unit sa bayan ang bata sakay ng bangka, pero kahirapan naman ang pumaparalisa sa desisyon ng pamilya. Northern Samar ang naitalang pinakamahirap na probinsiya sa Visayas. Kaya imbes na sa bangka, isasakay sa basket na karaniwang lalagyan ng gulay ang musmos. Ang ilang oras na pagpasan, sulit kaya pagbaba sa bayan?
‘Di na kailangang lumayo pa sa Metro Manila kung problemang pangkalusugan ang usapan. Ang ilang Chronic Kidney Disease patients, imbes na sa bahay ay sa labas na ng National Kidney and Transplant Institute o NKTI natutulog. Umulan man o umaraw at sa kabila ng napakahabang pila ng mga pasyente, lahat sila ay nagbabakasakaling makatanggap ng mas murang dialysis treatment. Hanggang kailan puwedeng magtiis ang mga pasyenteng wala nang ibang makapitan?
Sa kabila ng mga kakulangan, may mga tumitindig ding bayani.
Kilalanin ang isang ‘doctor to the barrio’ sa Sarangani, Davao del Sur, mga doktor na dumarayo pa sa mga kasuluk-sulukang barangay sa bansa. Araw-araw silang sumasakay ng bangka at madalas na sumasabak sa mahabang lakaran. Ilan lang ‘yan sa mga sakripisyong kailangan nilang itaya sa pagpili nilang magsilbi sa bayan at sa mga nangangailangan. Pero hanggang saan nga ba nila ito magagampanan sa kaliwa’t kanang kakulangan?
Ang tatahaking biyahe patungo sa inaasam na serbisyong pangkalusugan mula sa gobyerno, malayo pa ba? Alamin ang sitwasyon ng kalusugan sa bansa sa The Atom Araullo Specials: The Patient is Out, ngayong July 28, Linggo, 4:30pm sa GMA.
ENGLISH VERSION
What are you willing to sacrifice to be able to add another day to the life of a loved one? Will your efforts be futile in a country that faces challenges in healthcare? This July, Atom Araullo documents the plight of patients from Luzon, Visayas and Mindanao and focuses on the elusiveness of adequate health care.
In Northern Samar’s poorest municipality, Silvino Lubos, Atom meets a 12-year old girl who has a decade-long medical condition. Her condition manifested by her inability to walk and speak remains unknown because the family is unable to bring the child to a hospital for proper assessment. There is a Rural Health Unit in town, but the family cannot afford the transportation cost. For this reason, instead of riding a boat, the sick child had to be brought to a decent medical facility by placing her inside a basket used to transport vegetables. Will the child finally get proper medical care after years of neglect?
In Metro Manila, camping outside the National Kidney and Transplant Institute in Quezon City are several chronic kidney disease patients. Notwithstanding the pouring rain and the heat of the sun, these patients endure falling in line just to avail affordable dialysis treatment. Are there other options that can help them?
The episode also features another face of sacrifice through one of Sarangani, Davao del Sur’s doctors to the barrio. They are doctors-on-call, not in hospitals, but in far-fetched barangays. Every day, they have to ride boats and trek for hours to check on patients who need medical services. How far can one doctor to the barrio go to provide the best medical service regardless of the health care system’s challenges?
Where is the country’s healthcare heading to? This July, get to know the different faces of Filipinos in dire need of medical attention and what the government is doing about it in The Atom Araullo Specials: The Patient is Out, July 28, Sunday, 4:30pm on GMA.